Lovi ayaw nang ma-tsismis kay Jake

Umaasa si Lovi Poe na matitigil ang tsismis sa kanila ni Jake Cuenca ‘pag nakalipat na siya sa ipinapagawang three-bedroom house sa isang subdivision sa Taguig. Hindi itinanggi ni Lovi na nasa iisang condominium compound sila nakatira ng aktor kaya sila natsitsismis na meron silang relasyon.

Nanghihinayang ito na hindi siya makakalipat sa February 11, na birthday niya, at ang tantiya’y sa April pa siya makakalipat.

Anyway, walang planong magpa-party si Lovi sa kanyang birthday at two birthdays na raw siyang ‘di nagpapa-party, pero welcome ang magreregalo at gusto niya stuff for her house ang iregalo sa kanya.

Busy si Lovi sa taping ng Legacy, kung saan, enjoy siya sa role niyang si Natasha na ang lines ay parang kay Serafina sa Temptation Island.

Enzo at Louise naka-isang taon na

Hindi maaakusahang ginagamit nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes ang kanilang relasyon sa pag-amin ng huli na magsi-celebrate sila ng first anniversary nila sa May 16. Wala silang project together maliban sa pagtatambal sa isang episode sa Maynila, at sa My Beloved, si Alden Richards uli ang kapareha niya.

Sa tanong kung bakit ngayon lang niya inamin ang relasyon nila (actually, ang mother ni Louise ang unang umamin), sabi nito’y dahil ayaw niyang lagyan ng label ang relasyon nila. “Saka walang thrill kung umamin kami,” pagbibiro ni Louise.

“Saka umamin na ako dahil 2012 na ngayon, parang hindi na uso ang maglihim,” dagdag ni Louise na nabanggit na wala pa silang plano ni Enzo kung paano magsi-celebrate ng anniversary.

Edgar Allan nakakatawid sa Dos

Suwerte si Edgar Allan Guzman dahil magagandang projects ang sunud-sunod na ginagawa. Muli niyang makakasama si Christopher de Leon sa special episode ng Maalaala Mo Kaya  na mapapanood sa Saturday. Gaganap siyang rebeldeng anak nina CDL at Sandy Andolong at matitindi raw ang confrontation scenes nilang tatlo.

Nagpapasalamat din si Edgar dahil libre siyang lumabas sa ABS-CBN at TV5 dahil kasama siya sa cast ng miniserye ni David Archuleta na Nandito Ako.

Bago matapos ang taon, gagawin din ni Edgar ang sequel ng Ligo Na U Lapit Na Me na may title na It’s Not That Complicated (Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012).

Anak ni Carlo J. bida sa santa Niña

Magbibida uli si CJ Caparas, ang anak nina director Carlo J. Caparas at Donna Villa sa Santa Niña, bagong serye ng Viva TV at TV5 na dahil sa title at tema, puwede raw tawaging bibleserye.

Ilu-launch sa serye ang Viva artist na si Imee Hart na nasa Bagets din at pag-aagawan siya nina CJ at AJ Muhlach.  

Show comments