Akting ni Eugene napansin sa Asian Film Awards, nominadong best actress

Ibinalita ni Atty. Joji Alonzo na nominado sa 6th Asian Film Awards si Eugene Domingo as best actress at best scriptwriter si Christ Martinez para sa pelikula nilang Ang Babae sa Septic Tank.

Bukod sa pagiging nominado, magiging presentor din daw si Eugene sa gaganaping awards night ng Asian Film Awards sa March 19.

Si Atty. Joji Alonzo ang producer ng Ang Babae sa Septic Tank. Karagdagan ito sa maraming recognition na natanggap na ng pelikula.

Maja pinu-push nang husto

Todo ang pag-push sa career ni Maja Salvador ngayon. Simula pa lang ng taon pero heto at may pelikula na siyang ipalalabas, My Cactus Heart at siya rin ang bida sa muling magbubukas na Precious Hearts Romances (PHR) sa pagsisimula ng isa na namang mainit na kuwento ngayong Lunes (Jan 23) sa Precious Hearts Romances Presents Lumayo Ka Man Sa Akin.

At sa iisang linggo ito mangyayari. Kung Lunes ang PHR, sa Miyerkules naman ipapalabas ang My Cactus Heart.

Anyway, kasama ni Maja sa Lumayo Ka Man Sa Akin si Jason Abalos na naka-on niya pala for almost a week lang.

At pasok din dito ang nagbabalik-Kapamilyang si Patrick Garcia at si Ina Raymundo.

Huling napanood si Patrick sa ABS-CBN sa Kampanerang Kuba at Darating Ang Umaga limang taon na ang nakakaraan, habang si Ina naman ay ngayon lang nagbabalik showbiz matapos magdesisyong huminto saglit para pagtuunan ang pamilya.

 Kabilang din sa cast sina Ariel Rivera, Ina Feleo, Kathleen Hermosa, Toby Alejar, Mico Palanca, Bettina Carlos, at John Arcilla.

Tungkol ito sa buhay ni Janine del Castillo, isang dalagang nanganganib na ulitin ang kasalanang nagawa ng ina sa kanyang pagpili sa dalawang magkaibang landas ng pag-ibig. 

Fans nililito na ng staff ng Bourne Legacy!

Parang natabunan ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona ang shooting ng The Bourne Legacy sa bansa.

Mas marami ngayong nagkaka-interes sa nasabing impeachment trial dahil pakiramdam nila ay nanonood lang sila ng isang tele­serye.

Kung sabagay, balitang dalawang araw nama­hinga ang shooting ng international movie na ayon sa isang source ay nililito na ng production ang sche­dule ng shooting para hindi na sila dagsain ng mga fans.

Show comments