Piolo panay ang takbo para hindi magmukhang matanda!
Sa September ay nakatakdang pumunta si Piolo Pascual sa Germany para lumahok sa 43k event sa Berlin Marathon na isa sa limang major marathon events sa buong mundo.
Ayon kay Piolo ay hilig na niya talaga ang pagtakbo kahit noong bata pa siya. “Maliit pa lang ako mahilig na akong tumakbo, pero hindi naman uso dati ang running eh. Hindi naman competitive ‘yan nun eh, siguro sa mga runners lang talaga. Siguro noong naging uso siya, it became a fad and then hindi na nawala. Mahilig lang talaga akong tumakbo. Then dumiretso ako sa duathlon tapos nagte-train ako ng triathlon. It’s because it makes you feel better, you look better, and of course you go against your age. As you age, you want to look younger, you want to feel younger so may health benefits kaya ko laging ginagawa. It’s a wonderful experience to push yourself,” pahayag ni Piolo.
Ngayon ay 160 pounds na lamang ang aktor at binabantayan niya talaga ang kanyang diet para hindi na mas bumaba pa ang kanyang timbang. “It’s hard to juggle it between work and you need to put in minimum of ten hours per week to train for that. So it’s hard to do something like that. Kapag naglo-lower ako sa 160, talagang bumabagsak ‘yung katawan ko, pero wala namang nagbago sa diet ko. I’m eating rice again. Kaya ako lumakas kumain kasi I’m eating rice again pero kailangan kasi I get to burn it. Pumapayat kasi ako because of running so i wasn’t eating pork, beef, rice at one time because of training, but because of running and too much training, nag-lose weight ako so now I’m eating rice and beef. So ang natanggal ko lang ‘yung pork, I love to eat so hindi ako choosy sa pagkain,” kuwento ng aktor.
Samantala, pinaghahandaan na rin ni Piolo ang sequel ng pelikulang Kimmy Dora ni Eugene Domingo na muli niyang ipo-produce.
Kukunan pa raw ang ilang eksena ng pelikula sa Korea.
Matteo tanggap na ‘di siya para kay Kim
Nalulungkot si Matteo Guidicelli dahil magtatapos na sa Biyernes ang kanilang seryeng My Binondo Girl. “It’s sad when something ends but we have to accept it and there were so many things popped up from the show that had been a blessing,” bungad ni Matteo.
Nanghihinayang kaya ang binata dahil hindi masyadong sinuportahan ng mga manonood ang tambalan nila ni Kim Chiu para sa serye? Posible kayang ang pakikipagrelasyon ni Matteo kay Maja Salvador sa totoong buhay ang dahilan kaya hindi nag-click ang tandem nilang dalawa? “Hindi naman, I don’t think so, I am open naman with my relationship with Maja and Binondo Girl. They appreciated it for a while, they liked Xian (Lim) and Kim more because they are both single and they work more together and they are both Chinese and they have more chemistry, so I guess different chemistry with other people,” paliwanag ni Matteo. Reports from JAMES C. CANTOS?
- Latest