Totoo kayang may problema si KC Concepcion sa Bureau of Internal Revenue? Tanong lang naman dahil ito ang malakas na bulung-bulungan sa kasalukuyan ng mga pulitiko.
Ayon sa isang nagbulong, allegedly, P17 million ang kailangang i-settle ni KC sa BIR at binigyan lang siya ng isang linggo para ayusin ang nasabing problema bago tuluyang gumawa ng hakbang ang naturang ahensiya ng pamahalaan.
Tinutulungan naman daw si KC, daw ha, ng kanyang papa na si Senator Kiko Pangilinan para maayos ang nasabing problema. Pero isang linggo lang daw talaga ang ibinigay na palugit ni BIR Commissioner Kim Henares para ayusin ang problema.
Bukas ang pahinang ito sa anumang paliwanag ni KC o ng kanyang kampo.
Dolphy lumakas nang makita ang mga kamag-anak
Mas lumakas na raw ang comedy king na si Dolphy ayon sa mismong anak niyang si Zia in a chance interview last Sunday night.
Mataas daw ang spirit nito dahil sa katatapos na Pasko. “Marami kasing mga kamag-anak na dumalaw so parang lumakas siya,” dagdag ng singer na anak nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla.
Hindi rin sila affected sa mga issue na naglalabasang ‘malapit’ na ito.
Ang ikinawo-worry daw nila ay ang reaction ng mga kamag-anak nila na nasa ibang bansa at hindi alam ang day to day condition ng ama. Eh siya raw, alam niya dahil kasama niya ito araw-araw.
At bilib siya sa ginagawang pag-aalaga ng kanyang mommy sa comedy king. In fact hindi na raw nito kailangan ng tulong dahil sa pagiging super woman nito.
NET 25 may teleserye na rin, tatapatan na ang TV5
Magiging active na ang Net25 (Eagle Broadcasting Corp.) ngayong 2012 at sinasabing makikipag-agawan sa no. 3 sa TV5.
Kahapon ay nagkaroon sila ng launching para sa kauna-unahan nilang serye, 5 Girls and A Dad na mapapanood simula sa January 23, Monday to Friday, 7:30 to 8:30 p.m.
Matagal na palang gustong gumawa ng teleserye ng Net25 pero dahil sa kanilang corporate mission and philosophy na magbigay ng values-driven, family oriented, naghanap muna sila ng tamang story at script para sa kanilang bini-build up na good image. Pero ngayong taon, totodo raw sila.
Tungkol sa isang single father and 5 Girls and A Dad na namatay ang asawa na kanilang haharapin ang challenges, struggles and joys ng pagiging single parent sa limang anak – 17 to newborn.
Si Richard Quan ang masuwerteng bida sa nasabing palabas kasama ang beauty queen na si Lara Quigaman na asawang namatay sa istorya.
Makakasama nilang gaganap na 5 Girls sina Dixie Nedic, Kate Nizedel, Abby Quilnat, Chesca Salcedo, and Keane Palmes with the special participation of Leo Dominguez and Vangie Labanan.
Sinulat ng batikang si Lualhati Bautista at si Elson Montalbo ang direktor.
Contrary to common impression hindi pag-aari ng Iglesia ni Cristo ang Net 25. Block timer lang dito ang INC.
Sa nasabing channel galing ang programang Spoon ni Janice de Belen airs Monday to Friday 11:00 a.m. to 12:00 noon and Moments ni Gladys Reyes.
Maynila trese anyos na
Trese anyos na pala ang programang Maynila sa GMA 7 hosted by ex mayor Lito Atienza.
Actually parang kailan lang ang nasabing programa, ‘yun pala ganun katagal na.
At hindi man aktibo ang dating mayor sa pulitika, lumabas naman ang talent niya sa aktingan. Yup, palaban na sa pag-arte ang dating mayor, paminsan-minsan ay acting na acting na siya.
Ang Maynila ay weekly morning Saturday show (9:30 a.m.) sa GMA 7 that features love stories tungkol sa love and romance na kinukunan sa Manila area.
At sa kanilang ika-13 na anniversary, meron silang apat na episode na kakikiligan ng mga bagets : Heart Spikes starring Bea Binene and Derrick Monasterio na mapapanood sa January 21, sunod and Labsyu Pards starring Louise delos Reyes and Kean Cipriano (January 28), Sweethearts Life (February 4) and In Love We Trust with Jamich, ang batang You Tube sensation na may 3 million hits (February 11).