Coco hindi feeling sikat
Kagabi ay nagsimula na sa Kapamilya Network ang pinakabagong teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin, ang Walang Hanggan. Talaga namang mahal na mahal si Coco ng kanyang mga tagahanga kaya namayagpag nang husto ang career ng aktor. “Pinapakita ko kasi kung ano ako, ‘yung pagiging sincere ko sa tao, sa mga katrabaho ko, sa pag-arte lumalabas ‘yon. Ayokong mag-pretend, kung hindi ako magustuhan, kung tingin man sa akin jologs, kung makita ka na maayos ka, malinis ka, maayos kang makitungo, kumbaga napamahal ka na sa kanila,” pahayag ni Coco.
Sa ngayon daw ay naitataguyod ng aktor ang kanyang pamilya dahil sa kanyang mga pagsisikap sa trabaho. “Sapat lang, tama lang, nakakaipon kahit paano. Sapat para matulungan ko ang pamilya at matupad ang mga munti kong pangarap,” dagdag pa ni Coco.
Malapit ang aktor sa kanyang lola at nagpapasalamat si Coco sa lahat ng magagandang aral na kanyang natutunan mula dito. “Pagrespeto at pagmamahal sa kapwa. Kapag may respeto sa kapwa mo, ibabalik sa ‘yo,” paliwanag niya.
Wala raw nami-miss si Coco sa kanyang buhay noong hindi pa siya masyadong sikat. “Kasi nandun pa rin ako. Naging busy lang ako sa trabaho pero kung sino ang mga kaibigan ko, kung sino ang mga lagi kong kasama sila pa rin,” kuwento pa ni Coco. Samantala, pagdating naman sa usaping pag-ibig, matagal-tagal na rin daw nang huling nabaliw sa pag-ibig si Coco. Ayon pa sa kanya ay masarap daw magmahal pero handa ka rin daw dapat na masaktan kung papasok ka sa isang relasyon.
Kim malapit nang ma-in love kay Xiam
Kinikilig si Kim Chiu sa lahat ng ipinapakitang kabutihan sa kanya ni Xian Lim. Kamakailan ay ikinatuwa ng young actress ang ginawang panghaharana sa kanya ni Xian kung saan ay kinantahan ng isang grupo ng choir ang dalaga sa location set ng My Binondo Girl. “First time na may nagganun na tao sa akin. Siyempre iba rin ang feeling ng tao kapag ganun,” nakangiting pahayag ni Kim.
“Natawa ako, habang kumakanta ‘yung choir lumabas siya (Xian), may dalang bulaklak ay ano ba ‘to performance level,” kuwento ng dalaga.
Ayon kay Kim ay wala pa naman daw espesyal na namamagitan sa kanila ni Xian. “We’re just friends, enjoy akong kasama siya, tawa ka lang nang tawa. Kinikilig-kilig nang konti pero doon muna. Siyempre dahan-dahan lang para sigurado ka kung ano ang nararamdaman mo,” paliwanag ni Kim.
Naging vocal naman si Xian sa kanyang tunay na nararamdaman para kay Kim. “She’s a special girl. She means a lot to me. She’s special, I just want her to be happy,” pagtatapat ng binata. -Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest