Nagbakasyon lang sa Eat Bulaga, ilong ni Pauleen nag-iba na ang hitsura

SEEN: May napansin na pagbabago sa ilong ni Pauleen Luna dahil sa “aksidente” na nangyari sa kanya na naging dahilan upang magbakasyon siya ng ilang araw bilang co-host ng Eat Bulaga.

SCENE: Ang celebrity screening ng Walang Hanggan sa pa­ngu­nguna nina Coco Martin at Julia Montes sa SM Megamall Cinema noong Sabado. May mga napaluha sa dramatic scenes ng bagong primetime show ng ABS-CBN na magsisimula ngayong gabi.

SEEN: Dumalo sa special screening ng Walang Hanggan sa SM Megamall Cinema sina Kris Aquino, Vice Ganda, Congresswoman Lucy Torres, ABS-CBN executives, at ang cast ng Kapamilya teleserye.

SCENE: Ang kumpirmasyon ng direktor na si Mac Alejandre tungkol sa paglipat niya sa TV5. Si Mac ang direktor ng Nandito Ako, ang mini-series sa TV5 nina David Archuleta, Jasmine Curtis-Smith, at Eula Caballero.

Nilinaw ni Mac na para sa TV lamang ang exclusive contract niya sa TV5, hindi kasali ang mga pelikula.

SEEN: Kasali sa cast ng Nandito Ako ang magkaibigang Aiko Melendez at Gelli de Belen. Unang project ni Aiko sa TV5 ang Nandito Ako at second project ito ni Gelli, ang host ng Gellicious.

SCENE: Napapanood sa Cambodia ang lumang teleserye ng ABS-CBN, ang Tayong Dalawa. Favorite TV series ng mga Cambodians ang Tayong Dalawa. The Two of Us ang title sa Asian countries ng Tayong Dalawa.

SEEN: Bagong gupit si ex-Congressman Ronald Singson nang lumaya siya sa kulungan sa Hong Kong noong Sabado.

Kasama sa mga nag-welcome kay Ronald ang anak niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

SCENE: Nag-last shooting day noong Jan. 12 ang My Cactus Heart, ang pelikula ng real-life lo­vers na sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli.

Ipalalabas sa mga sinehan ang My Cactus Heart sa Jan. 25.

Show comments