Aktor na namasyal lang sa US, nagpakasal na pala sa bading?

Tiyak na agad maka­karating sa aktor na ito ang tsika rito sa Pilipinas na nagpakasal siya sa States. Walang masama dahil single siya at nasa right age na para mag-asawa pero magkaka-isyu lang dahil gay marriage raw ang pinasok nito.

Knowing the actor, mata­tawa lang at itatanggi ang tsismis, gaya nang reaction niya noong una siyang matsismis na may karelasyong bading. Again, wala pa ring masama kung totoo ito dahil to each his own at kung saan ka masaya at may peace of mind, doon ka. Pakialam ng iba sa desisyon mo!

Agad naming binisita ang Twitter account ng aktor hoping na may makukuha kaming clues sa tsismis na pagpapakasal, pero wala kaming nabasa. Puro pamamasyal sa States ang tinu-tweet.

Kapag hindi kami nakapagpigil, tatanungin na lang namin ang aktor tungkol sa tsismis!

Matteo at Maja ibinrodkas na ang affair

Nag-profess ng love nila sa isa’t isa sina Matteo Guidicelli at Maja Salvador sa presscon ng My Cactus Heart at hindi dahil sa promo ng movie na showing sa Jan. 25. Ayon kay Maja, hindi lang dapat sa press ipakita ang relasyon nila dahil kahit ang co-stars at staff and crew, nakikita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

“Very nice to hear that,” ang sagot ni Matteo sa sinabi ni Maja na “gusto ko si Matteo na.”

“Very nice to feel na may isang tao na mahal mo na mahal ka rin. I’m very, very lucky to have her in my life,” dagdag na pahayag ni Matteo.

Hindi sinabi ng dalawa ang exact date ng relasyon nila, basta magwa-one year na at itinanggi ni Maja ang tsikang ayaw sa kanya ng family ng BF.

“Not true ang balita. Pasok ang beauty ko sa fa­mily niya,” ang say ng young actress.

Hindi lang umarte sa Star Cinema movie si Matteo dahil siya rin ang kumanta ng theme song na nakalimutan namin ang title, pero original ni Tootsie Gueverra. Nagtawanan ang press dahil si Allan Diones ang nakaalala kung sino ang original na kumanta ng song na kahit si Jerry Olea ay nahirapang isipin.

Alex, no extra rice ang resolution

Intriguing ang introduction sa Legacy na “most alluring primetime soap” ng GMA 7 at mapapatotohanan kung totoo ito ’pag pinanood ang soap na magsisimula ngayong Lunes, after Munting Heredera.

Kasama sa cast si Alessandra de Rossi bilang si Bernadette, ang bastardang anak nina Cesar (Robert Seña) at Maritoni Fernandez. ’Aliw ang mga eksena nina Alex at Maritoni at tatatak sa mga viewers ang dialogue ni Alex na pareho lang ang legitimate at illegitimate na anak basta may “timate.” Hahaha!

Second project ito ni Alex mula nang bumalik siya sa Channel 7 at inaming mas comfortable siya sa Kapuso Network dahil dito siya lumaki, mas kilala siya at alam kung nagbibiro lang. Malaki rin ang pagkakaiba ng ta­lent fee niya ngayon, pero hindi nag-quote ng figures.

’Katuwa ang New Year’s resolution ni Alex na no extra rice.

“I’m 27 years old, wala akong sports, ’di ako nag-i-exercise, at ’di ako nagda-diet. Para ’di ako tumaba, wala na lang akong extra rice,” pahayag ng aktres.

Direk Mac hindi makaka-level sina Mr. M at Audie

Ina-announce ni Direk Mac Alejandre sa Twitter ang paglipat niya sa TV5 sa tweet niyang “It’s official, I’m a Kapatid” at ang miniserye ni David Archuleta ang first project niya. Nag-tweet din si David at ipinakilala ang director niya sa miniserye.

Pero kahit nasa TV5 na siya, gagawin pa rin ni Direk Mac ang launching movie nina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose na Just One Summer dahil sa TV lang exclusive ang kontrata niya.

Bukod sa pagdidirek, may kasamang position ang offer kay Direk Mac ng TV5 pero nilinaw nitong hindi ang position ni Audie Gemora sa network ang ibibigay sa kanya. Hindi ang talent development department ang hahawakan niya at hindi rin ka-level ng position ni Mr. Johnny Manahan sa ABS-CBN ang hahawakang position.

Nabanggit ni Direk nang makausap namin sa taping ng Amaya na may counter offer sa kanya ang GMA 7 at may position ding ini-offer. Kaso, natanggap na niya ang offer ng TV5. Ang Amaya ang last project ni Direk Mac sa Kapuso.

                                                                       

Show comments