Ang huwag gamitin si Marian Rivera sa publicity ng Legacy ang pakiusap ng kanyang fans. Hindi nagustuhan ng mga tagahanga ni Marian ang interview kay Heart Evangelista tungkol sa pagkikita nila sa set ng Party Pilipinas.
Nagkuwento si Heart na nagkasalubong sila ni Marian sa Party Pilipinas pero hindi siya pinansin ng huli. To the rescue ang mga fans ni Marian dahil nagpakatotoo lamang ang kanilang idol. Kung talagang sincere si Heart na makipagkasundo kay Marian, aminin muna niya ang kanyang pagkakamali at mag-apologize siya.
Nangyari ang pagkukuwento ni Heart sa insidente nang pagkikita nila ni Marian sa presscon ng Legacy. Sa tingin ko, sinagot lamang ni Heart ang mga questions ng mga reporters pero wala siyang intensiyon na gamitin si Marian sa publicity ng Legacy.
Alma idinenay uli na hiwalay na sa asawa
For the nth time, pinabulaanan ni Alma Moreno ang balita na hiwalay na sila ni Fahad Salic, ang mayor ng Marawi City.
Hindi affected si Alma ng mga tsismis tungkol sa relasyon nila ni Mayor Salic dahil walang katotohanan ang balita.
Totoong hiwalay ang dalawa dahil naglalagi sa Marawi City si Mayor at based naman si Alma sa Parañaque City dahil hindi niya puwedeng pabayaan ang kanyang mga obligasyon bilang konsehal.
Nang makausap si Alma ng Startalk staff, sinabi niya na open book sa publiko ang kanyang personal na buhay. Hindi siya magiging maramot na sabihin ang katotohanan kung totoo ang balita na hiwalay na sila ng kanyang asawa pero walang dapat aminin dahil going strong ang kanilang relasyon.
Ronald Singson Hinahabol
Masarap ang naging tulog ni Ronald Singson sa unang gabi ng pagbabalik niya sa Pilipinas noong Sabado.
Ibang-iba ang pakiramdam ng natutulog ka sa sariling pamamahay at hindi sa loob ng kulungan sa ibang bansa.
In demand ngayon si Papa Ronald sa mga requests na mainterbyu siya sa mga TV shows para maikuwento niya ang mga karanasan sa loob ng isang taon at anim na buwan na pagkakakulong.
Hindi nakuntento ang mga TV reporters na nagpunta sa Vigan, Ilocos Sur at nag-interbyu kay Papa Ronald dahil alam nila na maraming kuwento na puwedeng i-share at kapupulutan ng aral ang anak ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
PSN, Paborito Sa Zamboanga
Hindi ko puwedeng dedmahin ang request ni PLDT executive Gary Dujali na batiin ko ng belated happy 80th birthday ang kanyang butihing ina, si Mrs. Eulalia “Laling” Dujali ng Molave, Zamboanga del Sur.
Nakakaabot sa Zamboanga del Sur ang PSN at isa raw ito sa mga favorite newspapers na binabasa ni Mommy Laling. Natuwa ako nang malaman ko ang information dahil napakalayo nang nararating ng hard copy ng PSN.
Alam ko na matutuwa ng husto si Mommy Laling kung makikita nito sa pahina ng PSN ang litrato nang ipagdiwang niya ang kanyang 80th birthday. May reason ang madir ni Papa Gary para bumili ng maraming kopya ng PSN. Ang litrato ni Mommy Laling na kasama ang kanyang mga anak ang pinili ko na i-publish para may-I-buy din sila ng favorite tabloid ng kanilang ina.
Happy birthday Mommy Laling!! Maraming salamat sa walang sawa na suporta mo sa PSN!