Shooting ng Bourne Legacy, mahigpit, lahat bawal!
Maraming tumatawag sa aming mga kaibigang writers at nagtatanong kung puwedeng makita o mainterbyu ang mga artista ng Bourne Legacy na kasalukuyang nagsusyuting sa bansa. Ang United International Pictures kasi ang magpapalabas nito sa bansa this August at ipamamahagi ng Solar Entertainment Corporation.
Upang magkaroon ng promosyon ang pelikula habang narito sa ‘Pinas ang mga tampok na artistang sina Jeremy Renner, Rachel Weisz, at Edward Norton ay gumawa kami bilang publicist ng Solar ng promo plan gaya ng set visit (na alam naming malabong mangyari) interview sa mga artista o presscon kapag tapos na ang syuting at ang ginagawa ng aming magaling na marketing manager na si Lulu Chua ay nakikipag-ugnayan sa head office ng UIP para tanungin ang hiling ng mga writers o editors. Pero sad to say hindi puwede ang set visit ayon sa head office. Umaasa na lang kami na baka pagbigyan ang presscon o TV inteview o one-on-one interview sa mga artista pagkatapos ng shooting nila.
Kung sabagay mahigpit talaga at maraming bawal sa promosyon ng isang international movie laluna pagdating sa set visit o interview o kahit presscon kahit narito sa bansa at nagsusyuting ang mga dayuhang artista.
Angelika hindi mapigilan ng asawa sa pagkayod
Okey lang kay Angelika dela Cruz kung maging kontrabida uli kung saan kasama ito sa Biritera ng GMA 7.
‘‘Hindi big issue kung gumanap ako sa character role gaya nang sa Dwarfina. At least nabibigyan ako ng mga proyekto,’’ sabi ng aktres.
Dati mababait ang karakter na ginagampanan niya gaya nang sa Kaya Kong Abutin Ang Langit at Pilyang Kerubin. Pero inamin ng aktres na challenging ang mga role nito bilang kontrabida.
Masuwerte si Angelika sa pagkakaroon ng asawang suportado ang kanyang career. Kahit kaya siyang buhayin ng mister na si Orion Casarero ay gusto pa rin nitong magtrabaho at di maging dependent sa asawa.
- Latest