^

PSN Showbiz

Marian at Sid Lucero may away!

- SEEN SCENE -

SEEN: Ni-record kahapon ni David Archuleta ang sariling version niya ng Nandito Ako, ang hit song ni Ogie Alcasid.

Nagpupustahan ang fans ni David na Nandito Ako ang pamagat ng project niya sa TV5.

SCENE: International news ang pagdating ni David Archuleta sa Pilipinas at ang pagpirma niya ng kontrata sa TV5.

SEEN: Pilipino si Chef Paul Qui, ang strong contender sa 9th Season ng Top Chef, ang US reality cooking show ng Bravo TV.

Isinilang si Chef Paul sa Pilipinas at nag-migrate sila ng kanyang pamilya sa Amerika noong 10-years old siya.

SCENE: Nanindigan si Coach Freddie Roach na dapat nang matuloy ngayong 2012 ang pinakahihintay na laban nina Congressman Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. bago mawala ang interes ng boxing fans.

SEEN: Hindi nagustuhan ng televiewers ang hindi makatotohanan na ending noong Biyernes ng Nasaan Ka Elisa? Ikinatuwa naman ng viewers ng Amaya ang last episode ng teleserye ni Marian Rivera.

SCENE: Hindi halata sa mga huling eksena sa Amaya nina Sid Lucero at Marian Rivera na nagkaroon sila ng tampuhan sa last taping days.

SEEN: Pang-award ang acting ni Gina Alajar bilang Lamitan sa finale episode ng Amaya.

Walang kupas ang husay sa pag-arte ni Gina.

SCENE: Isang Thanksgiving Mass at welcome dinner para kay Ronald Singson ang ginanap kagabi sa tahanan nila sa Vigan, Ilocos Sur. Lumaya kahapon si Ronald mula sa pagkakakulong sa Hong Kong.

AMAYA

CHEF PAUL

DAVID ARCHULETA

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

GINA ALAJAR

HONG KONG

ILOCOS SUR

MARIAN RIVERA

NANDITO AKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with