^

PSN Showbiz

Aktres na feeling dalaga totoong buntis na ang anak!?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ay anak nga pala ng isang kilalang aktres ang kasalukuyang natsitsismis na menor de edad na buntis. ‘Yun nga lang wala pa ito sa legal age kaya ingat na ingat sa pagkukuwento ang mga taong nakakaalam sa naturang sitwasyon.

Pero pasasaan ba’t lalabas din ang totoo tungkol dito lalo na nga’t kilala ang aktres sa pagiging palaban. Hindi rin siya malihim at may pagka-transparent ang personality so sooner or later, magsasalita rin ito.

I’m sure hindi inaasahan ng aktres na maaga siyang magkakaapo.

Ganda-gandahan pa naman ang drama niya at feeling dalaga kung mag-aasta. Kaso magiging lola na nga raw siya.

Roman at Shalani ‘nagtipid’

Na-distribute na kahapon ang invitation sa kasalang Cong. Roman Romulo at Shalani Soledad. Simpleng-simple at walang kung anu-anong design. Wala rin ang listahan ng mga sponsors.

Five o’clock in the afternoon magaganap ang kasalan sa St. Benedict Church Westgrove, Sta. Rosa, Laguna. Sa Sta. Rosa na rin ang reception.

Ang Bride’s Maids & Co. ang wedding coordinator at nagre-request ang couple sa mga guests na dumating ng on time.

Madaling hanapin ang church at kung hindi naman alam ng pupunta, malinaw ang direction.

Nakalagay lang ang initials ng magiging mag-asawa sa harap ng invitation.

Makikita talaga ang kasimplehan nila sa nasabing invitation.

Nagbawas daw ng budget ang magiging mag-asawa dahil ang natipid ay itutulong sa mga nasalanta ng bagyong Sendong.

Angelica Jones nilait-lait!

Nag-trending kahapon si Angelica Jones sa Twitter Philippines. Nag-guest pala kasi siya sa Happy Yipee Yehey at nilalait siya to the highest level dahil sa mali-mali niyang sagot sa isang portion ng programa kalaban ang isa pang ‘matalino’ na si Keanna Reeves.

Grabe as in kung anu-anong masasamang word na ang itinawag sa kanya. At ang pinakamasakit, maraming kumukuwestiyon kung paanong na-elect siyang government official – elected board member siya ng Laguna. Kung sabagay, classic ang girl na ito. Kung anik-anik ang sinasabi.

Ayaw ng mga tuko...

vuukle comment

ANG BRIDE

ANGELICA JONES

HAPPY YIPEE YEHEY

KEANNA REEVES

KUNG

ROMAN ROMULO

SA STA

SHALANI SOLEDAD

ST. BENEDICT CHURCH WESTGROVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with