MANILA, Philippines - Sa linggong ito, magiging guest sa The Talk ang mga cast ng iba’t ibang Television series.
Mapapanood sa The Talk sina Kaley Cuoco ng ‘The Big Bang Theory,’ cast ng ‘Rob’, Wendie Malick ng ‘Hot Cleaveland’, William H. Macy ng ‘Shameless’ at Issac Mizrahi ng ‘Project Runaway All Stars’.
Ang TV actress at host ng 2012 “People’s Choice Award” na si Kaley Cuoco (CBS’s “The Big Bang Theory”, “Drew Paterson Untouchable”) ay guest nung Martes, Enero 10, para ibida ang malaking pagbabago ng show: ang pagdadagdag ng female characters sa cast. Isa pang feather sa kanyang cap ang PCA nomination sa kanya for favorite comedy actress.
Balik-primetime sa Rob si Rob Schneider. Nagsimulang ipalabas ang all-new comedy noong Miyerkules, Enero 11. Nag-preview nito ang cast na sina Rob Schneider, Cheech Marin at Eugenio Derbez. Nagsimula itong iere noong Enero 12. Ang show ay tungkol sa isang lifelong bachelor na nagpakasal sa isang miyembro ng isang Mexican-American Family.
Ang “Hot in Cleaveland” naman ay tuloy sa kanyang third season. Humataw ang promotional demands nito kasama ng two-time Emmy at Golden Globe nominee na si Wendie Malick sa noong Enero 12.
Si William H. Macy ay bibisita ngayong Enero 14 para ibida ang kanyang show. Ididiin ni Macy na, kahit nagpapatawa ang kanyang show, tungkol naman ito sa buhay ng isang pamilya sa panahon ng kahirapan.
Ang The Talk ay umeere mula Martes hanggang Sabado via Satelitte mula 8am to 9am na merong bandang 12nn at 7pm sa TALKtv – Ch. 16 sa Skycable, Ch. 28 on Destiny at Ch. 21 on VHF.