Wala pang eksaktong maisagot si Sharon Cuneta sa daily talk show na gagawin niya sa TV5, gaya kung kailan sisimulan at kung sino ang director. Pero aware kaya si Megastar na dalawang directors ang nagki-claim daw na tinawagan sila ng Viva TV para sila ang magdirek ng show?
Ang hindi alam ng dalawang director, hindi ang TV5, hindi si Mr. Vic del Rosario at ang Viva ang magde-decide kung sino ang magdidirek ng show kundi si Sharon mismo. Sa binanggit na dalawang director, parang hindi sila ganun kakilala ni Mega para sila ang piliing magdirek ng kanyang show, pero malay din natin.
But as of now, wala sila sa list ang dalawang director na pinagpipilian ni Sharon.
Ngayon lang umamin Geoff hindi pala suportado si Carla sa Asiong
Last show ni Geoff Eigenmann sa GMA 7 ang Legacy dahil sa March, mag-e-expire na ang kanyang kontrata. Ang alam niya, under negotiation na ang pagre-renew niya ng kontrata, pero ayaw niya munang isipin ang tungkol dito’t sa soap na magpa-pilot sa Monday, January 16, ang focus niya.
First serious drama niya ito at ayaw niyang magkamali lalo’t magagaling ang mga kasama niya. Kinabahan daw siya sa presence ni Eddie Garcia at ng tita niyang si Cherie Gil at ang pinsang si Sid Lucero na magaling daw.
“Aminado akong mas magaling si Sid sa akin, nanalo na siya ng award at pati si Gabby (Eigenmann), nanalo na rin ng acting award. Ako, ni hindi pa na nominate,” wika ni Geoff.
Sa muling pakikipag-usap kay Geoff, nakumpirma naming prangka ito at sinasabi kung ano ang nasa puso. Nang tanungin tungkol sa ama ng baby ng pinsang si Andi Eigenmann, sabi nito “we honestly don’t think we need anything from him.” Ang mom naman niyang si Gina Alajar daw ang ‘most hated b-tch on TV’ dahil sa karakter nitong si Lamitan sa Amaya.
Feeling niya, hindi kailangan ng GF niyang si Carla Abellana ang support niya kaya hindi na pinanood ang Asiong Salonga at hindi lang dahil sa kissing scene nito kay ER Ejercito.
Rosemarie Gil gusto uling umarte
Sa Tuesday, January 17, sisimulan ni direk Maryo J. delos Reyes ang taping ng Biritera na first time pagtatambalan nina Dennis Trillo at Glaiza de Castro. Sa February na ang airing nito.
Parang nakokontian kami sa cast ng Biritera, kumpara sa Legacy at My Beloved na maraming members ng cast. Sa Biritera, sina Angelika dela Cruz, Ryan Eigenmann, Yul Servo, Neil Ryan Sese, Ces Quesada at Rich Asuncion lang ang binanggit sa amin o baka naman may iba pang kasama.
Si Ryan ang panglima sa Eigenmann na nasa primetime soap ng GMA 7 dahil ang kapatid na si Geoff, ang pinsang si Sid Lucero at titang si Cherie Gil ay nasa Legacy. Si Gabby Eigenmann ay nasa Munting Heredera at sa soon to air na Broken Vow. Naalala tuloy namin ang kuwento ni Cherie na nagtatanong ang mother niyang si Rosemarie Gil na nasa States ngayon kung may role na babagay sa kanya sa show ng Channel 7 o sa ibang networks.
Carmina ayaw maging tsismosa, pagpirma ng kontrata sa kapamilya naudlot
Hindi natuloy ang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN kahapon ni Carmina Villarroel dahil may conflict daw sa schedule ng mga bossing ng network. Sa Monday na matutuloy ang contract signing ng aktres sabay ng presentation ng shows na kanyang gagawin sa binalikang network.
Nilinaw ng isang malapit kay Carmina na hindi totoo ang tsikang papasok ito sa The Buzz kapalit ni KC Concepcion. Tama na raw na nasa Paparazzi ng TV5 si Zoren Legaspi at hindi maganda kung parehong nasa showbiz talk show ang dalawa.
Pinaninindigan ng aming kausap na soap ang gagawin ni Carmina, hindi The Buzz at hindi rin E-Boy.