Amaya magpapa-alam na!

MANILA, Philippines - Ngayong Biyernes (January 13), saksihan ang huling pagtutuos ni Amaya laban sa kanyang mortal na kaaway na si Dian Lamitan sa pinaka-aabangang pagtatapos ng kauna-unahang epic serye sa telebisyon.

Matapos ang mahigit pitong buwan na itinakbo ng programa sa GMA Telebabad, ipinagmamalaki ng Kapuso Network ang tagumpay na tinamo ng epic serye hindi lamang sa consistent high ratings performance nito gabi-gabi sa primetime kundi pati na rin ang papuri na nakamit nito mula sa mga manonood. Ang buong cast, sa pangunguna ng primetime queen na si Ma­rian Rivera, ay nagbigay ng kamangha-manghang pagganap sa kanilang karakter na nagkamit ng positive reviews mula iba’t ibang kritiko. 

Saksihan kung paano magtatapos ang final confrontation nila Amaya at Dian Lamitan (Gina Alajar). Magtatagumpay ba ang malupit na reyna sa kanyang pagnanais na patayin si Amaya o mabibigo ito sa kanyang misyon? Patatawarin ba ni Amaya ang kanyang pa­ngalawang ina na responsable sa pagkamatay ng kanyang amang si Datu Bugna?

Samantala, magkaroon pa kaya ng pagkakataon na magkabalikan sina Amaya at Bagani? Alin ang mas matimbang kay Amaya? Ang tuparin ang itinakdang propesiya na pamunuan ang banwa ng mga Manobo o ang pag-iibigan nila ng pinakamamahal niyang si Bagani? 

Dapat ding abangan ng mga manonood ang cameo appearances ng Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Kris Bernal, at Rocco Nacino sa finale episode bukas. 

Ang Amaya ay ipinagmamalaking nilikha ng GMA Entertainment TV Group na may orihinal na konsepto at innovative storyline. Bukod sa endorsement ng National Historical Commission of the Philippines at ng Department of Education for its historical at cultural context, ang Amaya ay pinarangalan bilang Best Original Drama Series in the 2011 Golden Screen Awards for Television at kinilala ng Meycauayan Jewelry Industry Association, Inc. for the promotion of the country’s rich jewelry-making heritage.  

Show comments