Bianca positive ang effect sa buhay ni Dennis
Maganda rin ang hatid ng bagong taon kay Dennis Trillo. Matapos ang napaka-kontrobersiyal na paghihiwalay nila ni Jennynyn Mercado, nagdesisyon itong wakasan na ang kanilang pag-aaway. Binati niya ito nang magkita sila sa set ng Party Pilipinas.
Hindi na nga nakapagtataka kung tuluyan nang wakasan ng dalawa ang kanilang away. Parehong maganda ang kanilang mga career at maging ang love life nila ay mabunga at masaya.
Nauna nang magkaroon ng magandang relasyon si Jennylyn kay Luis Manzano. Maging ang ina nitong gobernadora ay boto sa kanilang relasyon.
Samantala, inaasahan din na mauuwi sa magandang pagtitinginan ang magandang relasyon ngayon nina Dennis at Bianca King. Maganda ang naging impluwensiya ni Bianca sa aktor kung kaya nagpasya itong simulan ang 2012 with a clean slate.
Glaiza binabalikan ni Felix
Hindi pa man natatapos ang Amaya ay panay na ang ginagawang paghahanda ni Glaiza de Castro para sa kanyang susunod na seryeng Biritera.
Isang drummer ng banda ang kanyang role kaya panay na ang praktis niya sa drums. Hindi naman siya gaanong hirap dahil bago siya nakilala bilang artista ay mayroon siyang banda. Hindi nga lamang siya drummer dito kundi bokalista pa pero kahit paano ay nakakahataw na siya ng drums nun pa.
Samantala, balitang binabalikan siya ng sinasabing dating karelasyon niya na si Felix Roco. Bagaman at hindi itinatanggi ng aktres ang balita, sinabi niyang ang nabubuhay ay ang dating pagkakaibigan nila. Ngayon lamang sila nagkita after a long time pero hindi niya prayoridad ang kanyang love life ngayon.
Kasama rin sa Biritera sina Angelica dela Cruz, Dennis Trillo, at isang baguhang singer na tumugon sa audition na isinagawa ng GMA para gumanap ng role ng Biritera.
Olive C title pinag-aagawan
Sa Jan. 28 ay magaganap na naman ang paghirang ng mga bagong Olive C endorser/image model.
Ikalawang taon na ito nang paghahanap ng CreWorks Asia (organizer ng kontes) ng mga natatanging kabataang babae at lalaki para maging kandidato sa taunang search for Mr. & Miss Olive C Campus Model Search. Ginalugad nila ang buong Luzon, Visayas, at Mindanao para makahanap ng mga mag-aaral na magsisilbing ehemplo sa maraming kaedad nila at image model din ng Olive C, isang sabon para sa mga kabataan.
Hindi pagyayabang na sabihing napakarami ang tumugon sa paghahanap ng mga organizers ng mga kandidato. Hindi lamang ang cash money na P25,000 ang nagsilbing atraksiyon sa kanila kundi ang pagkakataong mabigyan ng popularidad bilang Mr. & Miss Olive C at ang P100,000 modeling contract na kasama. Maganda rin ang naging resulta ng 1st Mr. & Miss Olive C na kung saan ang unang parehang nanalo ay agad nahanap ang stardom.
Ang Mr. Olive C na si Hiro Magalona ay isang nang artista. Bukod sa pagiging co-host ni German Moreno sa Walang Tulugan ay mayroon itong dalawang regular na programa sa telebisyon.
Ang Miss Olive C naman na si Muriel Orais ay sumali sa international beauty pageant na Miss Earth World at nanalong Miss Earth-Water.
Matatandaang ang 1st Miss Olive C ay nagbuhat sa Cebu. At kaya hindi nito nagampanan ang kanyang pagiging host sa press presentation ay dahil nasa Cebu pa ito para sa Sinulog Festival. Pero dalawa sila ni John Nite na magsisilbing host sa grand finals na magaganap sa Jan. 28 sa Ynarez Sports Complex.
Ang mga mananalo sa Mr. & Miss Olive C ay magiging opisyal na kinatawan ng bansa sa 2012 Mr. & Miss Tourism Universe na magaganap sa bansang Guatemala sa buwan ng Oktubre.
Nakulong na aktor, isa nang pastor ngayon
Nakatutuwang malaman na isa nang man of God ang dating aktor na si Dennis Roldan. Natagpuan ni Dennis ang Panginoon sa loob ng kulungan. Isang pastor na regular na pumupunta ng kulungan para magbigay ng Bible lessons ang nakaimpluwensya sa kanya.
Sila ni Pastor Jeric Soriano ang nagbigay ng seven-day retreat sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.
- Latest