Kung sabagay ilang buwan pa lang namang nakakapanganak ang misis niya kaya hindi pa puwedeng mag-diet dahil nagpapa-dede.
Ay nabanggit nga pala ni Ogie na lumalabas na ang kakaibang ugali ng anak nilang si Nate. Aba, hamakin mo ilang buwan pa lang siya, alert na alert na raw ito tuwing maraming girls sa paligid niya. Kaya nga ang amang si Boy Pik Up, tuwang-tuwa sa panganay nila ng Songbird.
Happy baby din daw ang anak nila. Hindi iyakin at parating nakatawa.
At ito, mataas na raw ang boses ng anak. Pag umiyak talagang matinis. At pumipiyok na raw ito. At minsan paos na.
Samantala, wala pa sa plano ng mag-asawa na sundan si Nate. “C-Section kasi siya kaya hindi pa puwede.”
Tinanong na ba nila sa OB Gyne?
“Hindi pa.”
Usually kasi, three years bago uli puwedeng manganak ang isang na-ceasarian pero meron din naman kasing puwede nang manganak after a year.
Ay siyanga pala, limang bata ang mabibigyan ng P250,000 sa kikitain ng concert ng mag-asawa sa Araneta Coliseum sa February 14, 2012, ang Mr. and Mrs. A.
Mga batang may mga sakit na cancer na naka-confine ang bibigyan ng P250,000 na gagamitin nila sa pagpapa-chemo. “Sana maraming sponsors, kasi marami rin kaming mabibigyan ng tulong. Kasi parang kulang pa rin ang P250,000 kasi alam mo naman pag nagpapa-chemo, malaki ang gastos,” dagdag ni Mr. A. “Sana maka-raise kami ng P2 million,” dagdag niya.
Ang nauna nilang Ukay-Ukay project ay nakapagpatayo na sila ng 8 classrooms na ang halaga ng bawat classroom ay P650,000. “Although hindi naman lahat galing sa amin ‘yun, marami ring nag-donate,” kuwento ng singer na siya ring nagsusulat ng script ng kanilang concert.
James Bond isang araw nag-stay sa ‘Pinas?
Really dumating din sa bansa si James Bond (Daniel Craig) na asawa ni Rachel Weisz?
Ayon sa report sa TV Patrol, isang araw lang ang itinagal ng James Bond star at agad daw itong sumibat palabas ng bansa.
Sayang noh.
Tuloy ang shooting ng pelikulang Bourne Legacy sa bansa. Dinadagsa ng marami dahil nauna nang sinabi ng MMDA kung saan-saan lugar sila magso-shooting. Natural, dadagsain nga.