Pero hindi na sinusumpong ng migraine si Regine mula nang isinilang nito si Nate, ang panganay nila ni Ogie Alcasid. Malaking tulong ang pagiging ina ni Regine sa pagkawala ng pesteng migraine.
At si Jolo? Hindi pa bumabalik ang migraine mula nang matsismis na nagkakamabutihan na sila ni Kris Bernal. Big factor sa hindi pagsumpong ng kanyang migraine ang love na nararamdaman ni Jolo para kay Kris. It must be love...
‘Babaeng mukhang bading, naninira’
May tinarayan ako sa telepono noong isang araw, isang babae na mukhang bading na nagkakalat ng tsismis na nagli-link sa akin sa isang male starlet.
Naloka ang girl dahil hindi niya inaasahan na makakarating sa akin ang kanyang paninira. Super deny ang hitad pero nahirapan siya dahil may hawak akong mga ebidensiya.
Utang na loob, graduate na ako sa mga romantic ek-ek na ’yan! Happy ako sa pagiging single ko! Hindi ko kailangan ng love life ’no?!
Hindi ko na babanggitin ang name ng babae na hobby na yata ang manira ng kapwa dahil hindi naman siya sikat. Tama na ang warning ko na isusumbong ko siya sa isang government agency kapag hindi niya itinigil ang kanyang mga kagagahan!
Mga anak ni Annabelle Rama ipinasok na sa Viva!
Nagsanib-puwersa sina Boss Vic del Rosario at Annabelle Rama. Nagpirmahan ng kontrata ang magkabilang-panig dahil pumayag si Bisaya na maging agent nina Ruffa, Raymond, at Richard Gutierrez ang kompanya ni Boss Vic para sa mga commercial at events.
Happy si Bisaya dahil maganda ang pasok ng 2012. Nagpapasalamat siya sa Sto. Niño de Cebu dahil nalampasan niya ang mga bagyo na kanyang pinagdaanan noong 2011.
Amy, ideal ang love life
Belated happy anniversary sa mag-asawang Amy Austria at Duke Ventura noong Martes.
Nag-celebrate ng anniversary ang dalawa sa pamamagitan ng dinner with friends sa isang sosyal na restaurant sa Makati City.
Ang ganda-ganda ng relasyon nina Amy at Duke. Ideal couple talaga sila. Masuwerte sila dahil natagpuan nila ang isa’t isa. Wala nang mahihiling pa si Amy dahil maligayang-maligaya siya sa piling ng kanyang napakabait na asawa.