Anne ready nang bumirit!

MANILA, Philippines - Kung paramihan din lang ng titulo ay wala na talagang tatalo pa kay Anne Curtis. Mula sa pagiging Box-Office Queen, Fashion Icon, Twitter Princess atbp., ngayon naman ay hindi malayong tanghalin siyang Concert Empress.

Doble ang excitement ng kanyang mga fans sa nalalapit niyang first major solo concert, ang Annebisyosa : No Other Concert, sa darating na January 28 sa Big Dome.

Ayon sa director na si Rico Gutierrez, pinag-isipang mabuti at pinaghandaan ang bawat aspeto ng show mula sa mga kanta, choreography at costumes kaya tiyak na mapapamangha ang mga manonood at tiyak na sulit ang kanilang ibabayad. Si Marvin Querido ang musical director samantalang si Georcelle Dapat naman ang choreographer kasama ang dalawang batikang stylist na sina Liz Uy at Pam Quinones.

“Di pa rin ako makapaniwala na tuloy na ang concert ko,” bungad ni Anne. “Dream come true para sa akin ito at isa na siguro sa pinaka-challenging na gagawin ko sa aking career,” dagdag pa ng platinum recording artist. “Pasasa­lamat ko na rin ito sa lahat ng aking mga fans na walang sawang sumusuporta sa kin kaya naman sisiguraduhin kong bonggang-bongga ito!”

Annebisyosa: No Other Concert ay prodyus ng Viva Concerts.

Ang mga tikets ay: Patron A & B (P3000), Lower Box (P2500), Upper Box A (P1500), Upper Box B (P700). Mabibili ito sa lahat ng SM TicketNet outlets at sa Smart Araneta Coliseum Box-Office. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa 911-5555 o sa Viva Concerts sa numerong 687-7236. Pwede ring bisitahin ang: WWW.ANNECURTIS.PH/WWW.VIVA.COM.PH.

 

Solenn bobongga pa sa 2012

Isang magandang taon ang 2011 para kay Solenn Heussaff. Napuno ang schedule ng French-Filipina na pagsabak pa lang sa showbiz. Lumabas siya sa mga TV shows na Captain Barbell, Party Pilipinas, at Fashbook at mga pelikulang Temptation Island, My Valentine Girls, at Yesterday Today Tomorrow. At pumirma ng record deal sa MCA Music para sa kanyang self-titled album na sinuportahan ng Antonov Vodka.

Ang album ay naglabas ng mga kantang Fire at It’s Our First Time na nakapasok top songs ng Odyssey at Astroplus. Dahil sa singing talent at para i-promote ang album, nagkaroon din siya ng chance na magka-mall shows at magka-signing sessions.

Ngayong 2012, ratsada na agad ang beauty ni Solenn dahil may Sunday mall shows sa Robinsons Pulilan (Jan. 15), Robinsons BF (Jan. 22), at SM Pampanga (Jan. 29). Lahat ay mag-i-start ng 5 p.m. Kung bibili ng album, may free poster na puwedeng papirmahan kay Solenn pagkatapos ng show. Aba­ngan ang kanyang third single mula sa debut album.

Bukod sa album, magsisimula na naman si Solenn sa isang TV series sa GMA 7.

“I’m looking forward to doing more exciting things this 2012 and I hope my fans keep on supporting me especially my music,” sabi ng sexy singer-actress.

Kung feel i-download ang mga kanta ni Solenn sa inyong cell phone, I-text lang ang SOLENN at ipadala sa 3456.

 

Pamasko Promo ng Kopiko Pinangalanan

Masaya ang mga Kopiko coffee drinkers lalo na ang mga nanalo sa grand draw ng Maagang Pamasko Promo ng Kopiko promo.

Dinayo ng mga tao ang mga malls kamakailan nang magkaroon ng draws dahil sa mga perfor­mers na sina Jay-R, Daiana Meneses, Bianca King, Krista Kleiner, at ang bandang 6Cyclemind.

Nabunot ang tatlong major prizes mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang mga third prize winners ay nakatanggap ng P100,000; P150,000 para sa second prize winners; at ang biggest grand draw prize winners ay tumanggap ng P200,000.

May 60 entries din na pinagbunutan ng P10,000 na consolation prize. Ang mga premyo sa promo ay umabot sa P4.5 million (kasama na ang mga nanalo sa pitong weekly preliminary draws) sa loob ng dalawang buwan.

Dumalo sa grand draw ang mga Kopiko bosses sa pangunguna ni Mulyono Nurlimo, board of director; Ronny Saputra, marketing manager; and Nestor Barron, national sales and promotion mana­ger ng Inbisco (Philippines), ang national distributor ng Kopiko; Tridharma Marketing Corporation; at pati na ang mga representatives ng Bombo Radyo Philippines (Bombo Radyo at Star FM), ang opisyal na media partner.

Show comments