PIK : Nangako si Ogie Alcasid sa kanyang mga anak na sina Leila at Sarah na dadalasan niya ang pagdalaw sa Australia.
’Yun daw ang isa sa mga New Year’s resolutions niya ngayong taon dahil gusto nitong i-enjoy ang paglaki ng kanyang mga anak.
Itutuloy din nila ang kanilang pagbabakasyon kasama na sina Regine Velasquez at ang anak nilang si Baby Nate.
Hindi dito sa Pilipinas, baka sa ibang bansa magkikita sila ng mga anak niya kasama rin sina Michelle van Eimereen at ang asawa nitong si Mark Murrow.
PAK : Ayaw magkomento ni Aljur Abrenica sa isyung pinagdaanan ngayon ni Rhian Ramos. Magkasama sila sa pelikulang Kontrabida Girl pero hindi pa nakunan ang mga eksenang magkasama sila.
Nasa Amerika pa si Rhian pero kahapon ay nag-shooting na si Aljur.
Marami ang nagdi-discourage sa young actor na wag-gawin ang pelikulang ito pero mas pinagkakatiwalaan ni Aljur ang desisyon ng GMA Artists Center kung ano ang makabubuti sa kanyang career.
BOOM : Isa sa mga araw na ito ay kakasuhan ng aktres ang dati niyang asawa.
Tahimik si aktres sa ngayon dahil ayaw niyang unahan ng dating asawa. Dati kasi ay maayos silang nagkausap at nagkasundo kung paano maayos ang annulment pero ngayon ay medyo magulo at galit na naman si aktres.
Gustung-gusto ni aktres na magsalita na kasama ang kanyang abogado para sabihin kung ano na ang susunod na mangyayari pagkatapos nilang maghiwalay ng kanyang asawa.
Kaya lang medyo magulo na naman dahil sa ilang ’di napagkasunduan sa dating asawa. Kaya nag-iipon na siya ngayon para magulat na lang ang dating asawa sa susunod na hakbang na gagawin niya.
Matinding stress na kasi ang napagdaanan niya kahit matagal na silang hiwalay. Ang buong akala niya ay matatahimik na siya, pero hindi pa rin, kaya baka aabot na ito sa demandahan.
Isa sa mga tweet ni aktres: “Nag-iipon pa ako, para maipakulong ko na. lol!”