Dahil kay Jake, Melissa nahirapan noong 2011
Sa Biyernes ay magtatapos na ang teleseryeng Nasaan Ka, Elisa? kaya nakararamdam na ng lungkot ang bida nitong si Melissa Ricks. Mapapasama naman ang aktres sa bagong seryeng Walang Hanggan na magsisimula na sa Lunes.
“I’m sad na magtatapos na kami kasi it was a role na I never thought na tatanggapin ko. Sa totoo lang hindi ko akalain na gagawa ako ng ganung role kasi medyo risky siya. Medyo mahirap pero ABS-CBN gave me a chance to do that role na marami namang puwedeng gumanap ng Elisa but they chose me, so I’m very thankful na ibinigay nila sa akin,” pahayag ni Melissa.
Masayang-masaya ang dalaga sa katatapos lamang niyang birthday party na inihanda para sa kanya ng mga tagahanga niya.
“I’m very thankful kasi dati I was a fan as well. I was cheering and siyempre gusto ko mapalapit sa fans ko hindi lang bilang fans but as friends. That’s why mahilig akong mag-tweet, mag-reply because kung ako ’yun gusto ko rin reply-an din ako ng idol ko. Kakausapin ako ng idol ko.
“So, sana laging may ganito. Sana laging may chance to spend time with them and have fun with them,” kuwento pa ng aktres.
Ayon kay Melissa ay naging mahirap para sa kanya ang taong 2011 dahil sa hiwalayan nila ni Jake Cuenca. “The year 2011 was one of the hardest but I think it was one of the best also kasi Nasan Ka Elisa? did so much for me. Napakaganda ng palabas namin and I gained so many new friends. I learned so many new lessons. I learned na I have to be responsible. I learned that I have to grow up and I did grow up and marami akong pinagbago mula noon. Ngayong 2012 handa na akong harapin ang mundo talaga nang bonggang-bongga,” giit pa ni Melissa.
Xian Nalulungkot, ’Di Na Makikita Si Kim
Malaki ang pasasalamat ni Xian Lim sa patuloy na tumatangkilik sa teleserye nilang My Binondo Girl. Dalawang linggo na lamang ay magtatapos na ang nasabing serye kaya ngayon pa lamang ay ramdam na ito ni Xian.
“Nababanggit namin ’yan. Sabi ko, two weeks na lang. Ganun kaiksi na lang ’yung taping days. Malapit na kaming magtapos and parang seeing them more than eight months every single day, we got used to each other. ’Di ba parang ’yung bonding time, the way you guys see each other, who you see every morning? Mawawala ’yun. So nakaka-sad pero at least we had time na makilala ang isa’t isa,” pahayag ni Xian.
Hindi dapat bumitiw sa panonood ng serye ang kanilang tagahanga dahil marami pang mangyayaring magaganda sa pagtatapos ng kanilang serye.
“Ang lagi kong sinasabi ’yung twists and turns. Siyempre papatapos na but huwag silang magle-let go. Marami pang pupuntahan ang istorya,” sabi pa ng binata.
Samantala, posible rin na makagawa ng pelikula ang aktor na kasama si Kim Chiu. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest