Derrick komportableng magbading-badingan
PIK: Kakaibang gay film itong isang indie film na pinamagatang Bola na pinagbibidahan ni Arnell Ignacio kasama ang baguhang aktor at miyembro ng Hotmen na si Kenneth Salva.
Bago rin ang magdidirek na galing sa Mowelfund na si Lem Lorca.
Kaya marami ang na-curious nang ipinoste ang trailer nito sa YouTube at ang dami nang nag-like sa Facebook nito.
Sa trailer pa lang nito ay parang wholesome dahil hindi isinama ang laplapan nina Arnell at Kenneth, pati ang kabayuhan nina Kenneth at Sofia Valdez, at tiyak na pag-uusapan ang eksenang nagpaparaos ang isa ring baguhang si Jacob Miller.
Magkakaroon ng premiere showing ang Bola sa UP Film Center sa Jan. 21 ng 7 p.m.
Sa mga interesadong bumili ng ticket, agahan na lang pumunta o makipag-ugnayan kay Jette sa 0916-4876793.
PAK: Kapag hindi mo kilalang-kilala ang young actor na si Derrick Monasterio, pagdududahan mo itong bading.
Sanay na sanay si Derrick sa mga kabadingan at wala siyang kiyeme sa mga bading na naaaliw sa kanya.
Ang nakakaloka lang, sobrang sanay din itong makipag-usap ng kabadingan at kabisadung-kabisado niya ang mga salitang bading.
Lumabas ang interview namin sa kanya sa Startalk na tumili ito ng “echosera!” kay Kylie Padilla.
Pero never mo itong pagdududahang bading dahil komportable naman si Derrick sa kanyang pagkalalaki.
Mula nung bata pa siya ay nakasanayan na niya ang mga kabadingan dahil sa mga kaibigan ng mommy niyang si Tina Monasterio.
Keber ba ni Derrick na pagdudahan ang kanyang pagkalalaki, basta sure siyang lalaking-lalaki siya!
BOOM: Very successful ang nakaraang 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) na sinuportahan ng husto sa loob ng dalawang linggo.
Nang huling nakausap namin ang isang miyembro ng executive committee ng MMFF na si Mr. Ric Camaligan, mahigit 600 million pesos na ang kinita ng pitong entries na kalahok sa MMFF at kahit ang panghuling pelikula sa box office ay hindi rin flop.
Ang pelikulang Yesterday Today Tomorrow ang panghuli sa takilya pero malakas pa rin ito kaya nakakatuwa na sinuportahan ng husto ang mga pelikulang Pilipino.
Sana ganun pa rin kainit ang pagtangkilik sa lahat na mga pelikula natin dahil unti-unting bumabalik na ang sigla ng ating movie industry.
Isa sa mga araw na ito ay maglalabas na ang MMDA ng box-office result ng lahat ng mga pelikulang kalahok sa 2011 MMFF.
- Latest