^

PSN Showbiz

Julius isisiwalat ang mga bagong raket sa droga

-

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpasok ng bagong taon ay mga bago ring istilo nang pagtatago ng droga sa bansa ang ibubulgar ng XXX, ang 2011 Golden Screen Awards for Best Crime/Investigative Program. 

Sa tulong ng Anti-Illegal Drug Task Force ng Philippine National Police, isisiwalat ni Julius Babao ang mga bagong paraan ng pagpupuslit ng droga para maiwasan ng pubiko maging biktima o bahagi ng mga ito. 

Isang pagsisiwalat din ang hatid ni Anthony Taberna tungkol naman sa kaso ng isang ginang na nagoyo sa online selling site na E-bay. Matapos makipag-areglo sa pagbili ng isang computer set, ang walang muwang na ginang ay natangayan lang ng pera ng isang mandurugas sa Internet. 

Samantala, ihahatid naman ni Pinky Webb ang nakakatuwang kuwento ng ginang na minsan nang naging complainant sa XXX. Dahil sa exposé ng programa sa telebisyon ay nabigyan ng pansin at aksiyon ang kanyang hinihinging retirement benefit ng yumaong asawa. Kamakailan nga ay natanggap niya na ang hinihintay na ha­laga na umabot sa P200,000.

Ang XXX ay hinirang din na Best Public Service Program ng Golden Dove Awards noong nakaraang taon para sa Lola Lourdes episode kung saan nakunan nila sa video ang pagkulong ng isang lola ng kanilang kapamilya sa isang kulungan ng aso at paano ito minamaltrato.  Pakatutukan ang XXX ngayong Lunes (Jan. 9) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26) sa parehong araw sa ganap na 9:15 p.m. 

ANTHONY TABERNA

BEST CRIME

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM

DRUG TASK FORCE

GOLDEN DOVE AWARDS

GOLDEN SCREEN AWARDS

INVESTIGATIVE PROGRAM

JULIUS BABAO

LOLA LOURDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with