MANILA, Philippines - Trabaho lang ang gusto ni Sid Lucero kaya naman wala siyang alam sa kontrata niya sa GMA Network at pinamamahala niya ang aspetong ito sa manager niyang si Ricky Gallardo.
“I don’t really meddle on his plan kung anuman ang nakalista or whatever. I just say yes when he says this and that,” say ni Sid nang makausap namin sa huling mga taping days ng Amaya ni Marian Rivera.
Masunurin naman pala siyang artista.
“Yes because I’m doing what I want. Ako naman ’yung nasusunod, hindi naman talaga siya,” rason ng aktor.
Hindi ba niya binabasa ’yung kontratang pinipirmahan niya?
“I do but the thing is kahit basahin ko ’yon, hindi ko naman maintindihan eh. The legal terms…Basic to read it but to comprehend it properly, you need a lawyer to do that,” katuwiran niya.
Pati kung ilang taon ang kontratang pinirmahan niya, hindi rin alam ni Sid. Sa manager na lang niya pinauubaya ang lahat.
After ng Amaya, sa bagong drama series na Legacy naman mapapanood si Sid.
TV network umiiwas nang kumuha ng galing sa komiks
Super hero naman ang magiging project ng mayabang na komedyante mula sa klasikong nobela ng namayapang nobelista.
Kaya naman nagtataka ang ibang networks na nakabili ng trabaho ng nobelista kung bakit papayagan nilang mababoy ang konsepto ng nobela ng ama eh pagdating sa mga characters na likha ng ama, ang higpit-higpit ng pamilya niya!
Bukod diyan, mahal din ang singil ng pamilya at hindi lang isang milyon ang bayad sa rights ng mga sikat na nobelang kukunin. No wonder, nagbago na ng pananaw ang network sa mga shows na gagawin at iwas na sila sa mga pagkuha ng mga nobela sa komiks.