Kung sa ex na-trauma...Aktres sobrang saya na sa piling ng dyowa na espesyal ang trato
Masaya ang aktres na ito sa relasyon niya ngayon sa isang aktor dahil hindi lang pagmamahal ang ipinararamdam sa kanya, kasama ang respeto at special treatment na never niyang naramdaman sa kanyang ex. Ang ex ang rason kung bakit matagal muling umibig ang aktres dahil na-trauma na.
Hindi alam ng nobyong aktor kung gaano niya pinasaya ang aktres nang ipakilala sa kanyang mga magulang na never ginawa ng kanyang ex. Noong nakaraang Pasko, two bags at wristwatch na puro branded ang Christmas gifts ng aktor sa aktres na very proud na ginagamit ng dalaga.
Kaya nagugulat kami kung bakit up to now hindi pa inaamin ng dalawa ang kanilang relasyon. Wala naman silang ka-love team na dapat alagaan at tanggap ng fans at kahit press ay pabor sa kanilang relasyon. Hanggang kailan kaya mababago ang “exclusively dating” na sagot ng dalawa ’pag tinatanong sa kanilang relasyon?
Mariel masuwerte pa, HYY malapit nang mawala sa ere!
Pinagbubulungan ang tsikang aalisin na ng ABS-CBN ang Happy Yipee Yehey! kung kailan, basta malapit na. Sabagay, noon pa naman nababalitang tatanggalin na sa ere ang show na kabilang sa mga hosts sina Randy Santiago, John Estrada, Pokwang, Rico J. Puno, at Toni Gonzaga.
Mabuti pala at nakalipat si Mariel Rodriguez sa Wil Time Bigtime ni Willie Revillame sa TV5. Sigurado namang bibigyan ng kapalit na show ang mga hosts at regular performers ng Happy Yipee Yehey!
Sid payag magka-reality show ang buong Eigenmann
Dahil magtatapos na this week ang Amaya at last taping nila bukas, akala namin kumawala na si Sid Lucero sa karakter niyang si Bagani sa epic serye at sa Legacy na ang attention. Nagulat kami dahil sa up to the end ang focus niya sa epicserye at nahiya pa nga dahil hindi pa niya alam ang name niya sa Legacy.
Sa teaser plug namin nalamang I?igo ang pangalan niya at mukhang sa karakter ni Heart Evangelista muna mai-involve dahil sila ang magkasama sa publicity photo ng Legacy. Iwas-intriga si Sid dahil hindi sumagot sa tanong ng press kung ano ang feeling na after Marian, si Heart ang makakasama niya.
Longest show ni Sid ang Amaya at hindi na ito mangyayari, kaya at ang sarap ng feeling na makasama rito. Nalulungkot siya na magtatapos na ito, at the same time, he’s happy to be starting a new soap.
“I’m excited to be keep on working, I love it. Pero mami-miss ko ang Amaya, parang galing kami from a different world at mahirap ang Tagalog. Sa tagal kong naka-tattoo, baka hindi na maalis ito,” sabi ni Sid.
Excited na rin si Sid sa mga eksena sa Legacy na kasama niya ang pinsang si Geoff Eigenmann at ang titang si Cherie Gil at sana raw, may mga ganung eksena. Game rin siyang magsama-sama ang buong Eigenmann family sa isang reality show.
“It would be fun pero walang mangyayari siguro, magkukuwentuhan lang,” sabi ng aktor.
Bourne… dadayuhin din dito ng foreign press
Hindi lang pala ang cast at staff ng Bourne Legacy ang darating sa bansa dahil may foreign entertainment press din ang darating to cover the shooting. Isa sa mga darating ay ang team ng Entertainment Tonight na for sure, marami sa inyo ang nanonood sa cable.
Sana may team din ang TMZ dahil ’kaaliw silang panoorin, na-feature na nila si Manny at Jinkee Pacquiao before. Kundi kami nagkakamali, sa Jan. 14, na ang start ng shooting dito. Kelan kaya ilalabas ang mga pangalan ng Filipino actors na kasama sa cast ng Bourne Legacy?
- Latest