Super yaman na bading bonggang magmahal, isinama pa sa last will and testament ang hunk actor

PIK: Emotional si Marian Rivera kapag napapag-usapan ang nalalapit na pagtatapos ng Amaya.

“Itong Amaya ang isa sa mga ’di ko makakalimutang project ko sa GMA. Dito ang dami kong nakila­lang kaibigan mula sa mga kasamahan kong artista pati sa production staff. Ayokong umiyak, pero nalulungkot talaga ako,” pahayag ni Marian nang mag-guest ito sa Startalk nung kamakalawa ng hapon.

Natutuwa siya sa mga nakasama niya sa Amaya dahil walang intrigahan at kahit na inaapi ito ni Lamitan na ginagampanan ni Gina Alajar, sobrang cooperative ito sa kanya at ’yun nga ang acting coach niya.

PAK: Marami pala ang nanghina­yang sa magandang pagsasama ng isang hunk actor at ang isang super yaman na bading dahil hindi rin nagtagal ay nawala na rin ito at nagkalimutan na rin sila.

Nagsisimula pa lang noon si hunk actor, bongga na ang give sa kanya ni super yamang bading tuwing dumadalaw ito, bukod pa sa may monthly allowance.

Sa sobrang pagmamahal ni super yamang bading kay hunk actor, isinama pa ito sa kanyang last will and testament na bandang huli ay tinanggal na rin dahil hindi naman kasi inaalagaan ni hunk actor ang magandang relasyon nilang dalawa.

BOOM: Ayaw nang magkomento ni Pauleen Luna sa ipinadalang statement ng kanyang inang si Chat Luna para ipagtanggol siya sa intrigang pineperahan lang nito si Vic Sotto.

Lumalabas kasing parang gold digger si Pauleen dahil sa pinatulan daw nito si Bossing.           

Apektado na ang magulang ni Pauleen sa intri­gang ’yun kaya nagpadala sila ng statement sa Startalk na lumabas nung nakaraang Sabado.

Ang bahagi ng statement na ipinadala nito: “Just so everything is clear, Pauleen is not the breadwinner of the family. We, her parents, are very much able to perform this role for our brood. Whatever she earns is placed in her own account, for her own disposal and has been accounted for since. Although she is not obligated in any way to share, we are very proud of her being a blessing for those in need.

“She is a very simple lady with simple wants and needs. She has been smart in ensuring that her future is secured through her investments. Investments such as the new house she is building from her savings —contrary to the speculation that it was a gift.”

Samantala, ilang araw pang ’di makakalabas si Pauleen sa Eat Bulaga dahil sa nagpapagaling pa ito ng sugat sa bibig niya gawa nang pagkasemplang nito sa bike.

Ang narinig namin, halos araw-araw na dina­da­law ito ni Bossing Vic.

Show comments