Beth Tamayo tiniis mag-baby sitter, nakikitira't nakikikain lang sa Amerika!

Nakaka-inspire ang story ni Beth Tamayo na tumalilis ng bansa noong Dec. 25, 2008 dahil nadamay siya sa malaking financial problem ng kanyang mister na si Johnny Wong.

Napanood ko ang exclusive interview kay Beth sa Paparazzi at humanga ako sa katatagan ng loob na ipinakita niya.

Naranasan ni Beth na magtrabaho bilang baby sitter ng isang Colombian family para maka-survive siya sa Amerika.

Nagkahiwalay din sila ng kanyang asawa na nag-migrate naman sa Canada. Sumusumpa si Beth na wala itong alam sa mga kasalanan na ibinibintang ng mga kalaban ng kanyang asawa.

Judy Ann tuloy ang communication kay Beth

Ikinuwento ni Beth na umuwi siya sa Pilipinas noong nakaraang taon pero lihim na lihim ang pagdating niya dahil sa pangamba na baka may mga kaso na isinampa laban sa kanya. Sa awa ng Diyos, tahimik na nakadalaw si Beth sa nanay niya at tahimik din ang kanyang pagbabalik sa Amerika.

Ang pamilya at malalapit na kaibigan ang sinabihan ni Beth tungkol sa kanyang mabilisan na pag-alis sa Pilipinas noong December 2008.

Matalik na kaibigan ni Beth si Judy Ann Santos kaya isa ito sa mga nakipagkita sa kanya bago siya nag-goodbye Philippines.

Malalim ang friendship nina Beth at Juday. Hanggang ngayon, may constant communication sila.

Masuwerte si Beth dahil may kaibigan siya sa Amerika na tumulong sa kanya para makapagsimula muli.

Ang kuwento ni Beth, nakikitira siya sa bahay ng kanyang kaibigan sa US. Libre raw ang pagtira niya, pati ang kanyang pagkain.

Mahirap ang mga pinagdaanan ni Beth pero nagawa niya na bumangon. Good example siya sa iba nating mga kababayan na nawawalan ng pag-asa dahil sa mga problema na kanilang dinadala. Mabu­ting tao si Beth kaya marami ang naniniwala na nadamay lang siya sa mga problema sa negosyo ng kanyang dating asawa.

Sa totoo lang, nanghihinayang ako dahil nauwi sa paghihiwalay ang pagsasama nina Beth at Johnny.

Witness ang buong showbiz sa ka­nilang masaya at matibay na pagmamahalan. Walang nag-akala na mapupunta rin sa hiwalayan ang relasyon nila.

Inaayos na ni Beth ang divorce papers nila ni Johnny at balak niya na bumalik sa Pilipinas kapag maayos na ang lahat.

Pia pinagpupustahan sa gender ng baby

Wala pa sa plano ni Pia Guanio ang magbuntis kaya nagulat sila ng kanyang mister na si Steve Mago dahil positive ang resulta ng pregnancy kit test na ginamit niya.

Halata sa mukha ni Pia ang sobrang kaligayahan dahil magiging nanay na siya. Ngayon pa lang, nagpupustahan na ang mga kaibigan nina Pia at Steve sa magiging gender ng kanilang panganay.

Show comments