Iwa ka-date na ang ex ni Kris Bernal!

PIK: Nagulat sina Iwa Moto at Jay Perillo nang naintriga sila bigla dahil na magkasama silang nag-Enchanted Kingdom nung bago mag-Bagong Taon.

Na-post nila ’yun sa kanilang Twitter account na wala namang malisya dahil magkaibigan naman talaga sila.

Ayon kay Jay, tiyuhin niya ang ninong ni Iwa kaya family friend na ang turi­ngan nila.

Sabi naman ni Iwa, hindi pa siya naka-move on sa stress na inabot niya sa hiwalayan nila ni Mickey Ablan, hindi pa niya kayang pumasok sa panibagong relasyon.

PAK: Totoo kayang kaya pinayagan na ng Eat Bulaga na mag-resign ang EB Babes member na si Saida Diola dahil hindi naman talaga ito kagalingang sumayaw?

Ang sabi lang ni Saida, gusto niyang subukan ang ibang field dahil matagal din siyang nagsasasayaw lang.

Wala pa itong nasabi kung anong field ang gusto niyang subukan.

BOOM: Inamin ng asawa ni Tyron Perez na si Liv Espino na nagkaroon ng konting gulo sa ilang miyembro ng pamilya ni Tyron at sa kanyang pamilya nang magkita sila sa burol kaya nagdesisyon na lang silang umuwi at hindi na sumama sa libing nito nung nakaraang Huwebes.

Sabi ni Liv, “Dahil po sa maliit na incident na ’yun napuwersa po ako, sa totoo lang po, na napilitan po ako na ipaubaya na lang po para po sa ikakatahimik ng libing ni Tyron the next day.

“Sa totoo lang po masakit na masakit po sa akin na nililibing ’yung asawa ko na nandito ako sa bahay pero dahil sa pagmamahal ko na rin sa kanya, ibinigay ko na lang po para sa pamilya para po tahimik po siyang maihatid sa huling hantungan,” maluha-luhang pahayag ni Liv.

Hindi na nakapunta si Liv sa puntod ni Tyron sa Pasiyam nito nung nakaraang Biyernes.

Doon na lang siya sa bahay nila nagpadasal.

Show comments