^

PSN Showbiz

Angel ayaw magpatali sa isang relasyon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kakaibang Angel Locsin ang mapapanood sa pelikula nila ni John Lloyd Cruz na Unofficially Yours. Isang liberated at ayaw magpatali sa isang relasyon ang role ng aktres sa bago niyang pelikula. “Ako dito si Ces, very independent. Ginagawa niya kung ano’ng gusto niyang gawin, kung anong nararamdaman niya. si Ces ’yung tipo ng babae na hindi magpapaapekto, hindi magpapaapi lalo na sa lalaki. Kumbaga, hindi siya maloloko.

“Siya ’yung tipong ‘ako ang mang-iiwan sa ’yo bago ikaw ang mang-iwan sa akin,’” pahayag ni Angel.

Moderno ang istorya ng pelikula dahil kuwento ito ng pag-ibig na nagsimula lamang sa isang one-night stand. Kahit may mga maseselan na eksena sina Angel at John Lloyd ay kampante naman ang aktres dahil malaki ang tiwala niya sa binata.

“Si John Lloyd, napakagaling umarte niyan. Kapag gumagawa kami ng eksena, in character siya at ganun din naman ako. Siyempre madadala ka dahil magaling umarte, pero off cam naman, back to John Lloyd na siya. Hindi na siya ‘yung character niya na si Macky,” kuwento ng aktres.

Suportado rin ng napapabalitang boyfriend ni Angel na si Phil Younghusband ang tambalan nila ng aktor.

“Kailangan niya akong suportahan. Wala namang issue at magkakilala naman sila ni John Lloyd,” giit ng dalaga.

Nahirapan din si Angel dahil sa unang pagkakataon ay nakatrabaho niya sa pelikula si Direk Cathy Garcia Molina, na una niyang nakatrabaho sa teleseryeng Lobo.

“Sa totoo lang mahirap. Hindi ganun kadali lalo na kapag galing ka sa TV ’tapos mag-transfer ka sa pelikula, iba kasi ang TV. Lagi nga ako sinasaway ni Direk na, ‘oh TV na naman ang ginagawa mo.’ So, natutuwa ako kasi ang dami kong natutunan na bago kay Direk. Si Direk kasi hindi niya papalampasin ’yung mga ginagawa mo na, ‘ay puwede na ’yan.’ Iga-guide ka niya kung paanong bagong atake kapag pelikula,” kuwento pa ni Angel.

Marvin pinapangarap si Madonna

Na-e-enjoy ni Marvin Agustin ang pagtatrabaho sa likod ng camera. Maraming concert na ng mga international stars ang nai-produce ng aktor noong isang taon, katulad ng The Black Eyed Peas, Maroon 5, at Miley Cyrus. Ngayon ay pinapangarap ni Marvin na makapag-produce ng concert nina Madonna, Coldplay, at U2.

“Matutuwa ang mga kapatid ko at mama ko if ever si Madonna. Hindi ko alam, hindi ko sinasabing kami ang magdadala sa kanya rito pero if ever that would happen, even just to be an audience lang with my family. She’s my family’s favorite. I guess lahat naman ng mga Pinoy. Sino ba namang hindi favorite si Madonna? My dream talaga is U2. It’s just that stadium ang kailangan nila eh we don’t have a stadium yet. I’m also a fan of Coldplay. I’m a fan of Justin Timberlake. Marami akong gusto. I’m a music lover,” pahayag ni Marvin.

Bukod sa kanyang mga showbiz commitments ay abala rin si Marvin sa pagpapatakbo ng kanyang mga naipundar na restaurants.

-Reports JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BLACK EYED PEAS

COLDPLAY

DIREK

DIREK CATHY GARCIA MOLINA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MARVIN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with