Carmina sa E-Boy unang sasabak sa pagbabalik-Kapamilya

MANILA, Philippines -  Malapit nang mapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang E-Boy, ang isa sa mga pinakabagong teleseryeng tiyak na kagigiliwan hindi lamang ng mga bata, kundi ng buong pamilya. Pagbibidahan ito ng MMFF 2011 Best Child Performer na si Bugoy Cariño, kasama ang mga premyadong bituin na sina Ariel Rivera, Jomari Yllana, Agot Isidro, at Valerie Concepcion.

Ayon kay Ariel, puno ng inspirasyon ang kuwento ng karakter ni E-Boy o electronic boy. Aniya, “Si E-boy ay isang batang robot na mabait at matalino; parang tao rin siya na may puso rin. Magugustuhan ito ng mga bata at ng buong pamilya kasi maraming mapupulot na aral sa kanya.”

Mula sa mga naghatid ng mga hit teleseryeng Lobo at Imortal, ang E-boy ay sa ilalim ng direksiyon nina FM Reyes at Nick Olanka simula sa Enero 23.

Ang E-Boy ang unang programa ni Carmina Villaroel na mas piniling bumalik sa Kapamilya Network at iwan ng GMA 7.

Sandra Aguinaldo naglakbay mag-isa

Ang backpacking o ang paglalakbay ng mag-isa gamit ang kakaramput na budget ay unti-unti nang nagiging popular na uri ng turismo. Para sa mga backpackers na ito, ang hindi pagkakaroon ng itinerary sa kanilang paglalakbay ay nagbibigay sa kanila ng laya upang magkaroon ng mas malalim na kaa­laman sa kultura at tao sa bawat lugar na kanilang pinupuntahan. 

Ngayong Lunes, samahan ang first-time backpacker na si Sandra Aguinaldo sa kanyang pag­lalakbay sa tinaguriang heart of the backpacking universe, ang Khao San Road, Bangkok.

Sa part two ng kanyang backpacking trip, maglakbay kasama si Sandra mula sa Cambodia patungong Vietnam. Gumising sa sunrise ng kamangha-manghang templo ng Angkor Wat—ang pinakamalaking religious monument sa buong mundo. Mula rito, samahan si Sandra sa pagpunta niya sa Ho Chi Minh City upang i-explore ang mga itinatagong ganda ng lugar na ito. 

Sa pagbukas ng Bagong Taon, tunghayan kung hanggang saan dadalhin ng kanyang mga paa at ng kanyang budget si Sandra sa isang ‘di malilimutang paglalakbay sa I-Witness ngayong Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Kuya Kim, lumusong sa putikan

Isang mas mapangahas na Kuya Kim ang sasalubong sa ikalawang Linggo (Jan 8) ng 2012 ma­tapos itong kaswalang lumusong at nagbabad sa putikan bilang bahagi ng kanyang adventure sa Matanglawin.

Susubukan nga ng Trivia King na maka-survive mula sa pagkakaligaw sa kagubatan at ipapakita ang iba’t ibang paraan na mag-improvise para maka-survive.

Isa na nga rito ang paglalagay ng putik sa katawan para maprotektahan ang sarili sa kagat ng iba’t ibang insekto.

Kapag kinailangan naman uminom ng tubig, maari ring gawing alternatibong pagkukuhaan ang puno ng saging.

Kung wala namang first aid kit, may maari ring gawin para pansamantalang malunasan ang kagat ng mga hayop tulad ng ahas matapos mismong si Kuya Kim ang kinagat nito.

Makayanan kaya niya ang hamon?

Sa mga nakaraang taon, ibinihagi ni Kuya Kim ang mga kaalaman tungkol sa mga hayop, kalikasan, pop culture atbp. Nakita ang katapangan ni Kuya Kim sa pagharap sa iba’t ibang mga pagsubok. Humiga siya sa kabaong, tumira sa gubat, pumunta sa bunganga ng bulkan at nasakmal ng bayawak.

 Huwag palalampasin ang Matanglawin ngayong Linggo (Jan 8), 9:30 ng umaga sa ABS-CBN.  

Show comments