Aktres na nawalan ng dyowang foreigner at career, hairclip at mini-picture frame na lang ang nireregalo sa mga kaibigan

Nakapag-asawa ng foreigner ang sikat na aktres na ito at nung panahong ’yun ay galante itong mag­regalo sa mga kaibigang reporter – mga mamahaling relo.

Pero dumating sa puntong nagkahiwalay sila ng Amerikanong dyowa at na­namlay pa ang career kaya nagtatago na ito kapag araw ng Kapaskuhan.

Ngayon ay nagbalik-sigla ang career ng aktres pero nagbago na ang pananaw sa buhay, ang maging masinop na sa pera. She’s not getting any younger wika nga. Mahal siya ng mga reporters dahil very friendly siya.

Ngayong Kapaskuhan ay hindi siya nakalimot magbigay ng regalo ’yun nga lang hindi na mamahalin at halagang sampung piso na lang gaya ng hairclip at mini-picture frame. Naniniwala naman ito sa kasabihang it’s the thought that counts.

Oo nga naman dahil sa hirap ng buhay bihira na ang nagreregalo ng mamahaling bagay.

Pagsikat ni Kathryn marami nang humula

Ayon kay Bro. Mhon, isang manghuhula, nga­yong taong 2012 ay sisikat ng husto si Kathryn Ber­nardo. May ibubuga ito sa acting bukod pa sa simpleng kagandahan.

Napanood namin ang Shake, Rattle & Roll 13 at agree kami sa sinabi ni Bro. Mhon dahil nailarawan ng aktres ang tamang karakter na sinaniban ng mang­kukulam sa episode na Parola.

May mga hukbo na rin ito ng mga tagahanga na sumusuporta sa kanyang career.

Barbie at Bea pinagtatapat!

Hindi lang si Barbie Forteza ang unang nabig­yan ng magandang break ng GMA 7 kundi gayundi­n si Bea Binene.

Ilulunsad na sa pagiging bida ang young actress via Alice Bungisngis and her Wonder Walis. Produkto si Bea ng StarStruck Kids.

Ngayong 2012 ay ’di maiiwasan na paglabanin sina Bea at Barbie kaya hataw ang career ng dalawang bagets.

Show comments