Dingdong pilit na pinagdududahan

Wala namang dapat ipagtaka kung nahulaan man ni Kris Aquino ang pagbi-best actor ni Dingdong Dantes. Hindi siya nanghula, ’yun talaga ang pinaniwalaan niya na nangyari nga. Obvious naman ang husay ni Dong sa Segunda Mano, ’di ba?

Let’s give credit to Dingdong’s fine artistry and to Kris for believing in him. Kung hindi pa marahil nakapag-deliver si Dingdong puwede tayong magduda pero the leading man’s job was well done. Batiin na lang natin siya dahil nabigyan siya ng moment and opportunity to shine.

‘Pinas madalas sinasabing Thailand o Vietnam

Tuwing may foreign film na sino-shoot dito sa atin, nakikinabang ang mga Pinoy. Marami sa ating technical o maging mga artista ay nagkakaroon ng trabaho. ’Yung mga lugar na ginagamit nila ay nabibigyan ng exposure kundi man nababayaran. Pero ang pinaka-bonus is when a foreign film production comes here, napapasikat nila ang ’Pinas. Sad to say na marami ng pelikula ang ginawa rito pero hindi nabigyan ng kredito ang ating bansa dahil pinalabas na ang pelikula ay kinunan sa Asya nga pero hindi sinasabing ’Pinas kundi Thailand o Vietnam.

Ang Bourne Legacy na isa sa mga Bourne film series na pinasikat ni Matt Damon ay dito sa atin kukunan. Pang-apat na serye ito ng Bourne movies at sana sa pelikula sabihin nilang nasa Pilipinas sila. Nakalulungkot lang na ’di na si Matt ang bida sa pelikula. Pinalitan na siya ng isang bagong aktor pero dahil sikat ang pelikula, pag-uusapan din ito at siguradong panonoorin kapag ipinalabas na.

Ngayon pa lamang ay nakikipag-ayos na ang produksiyon sa mga may kinauukulan para hindi sila lubhang makaapekto kapag nagsimula nang mag-shoot ang pelikula.

Pamumudmod nina Vic at AiAi dapat sundan ng mga kumitang pelikula sa MMFF

Magandang gesture ang ginawa nina Bossing Vic Sotto at AiAi delas Alas na pamimigay ng kontribusyon sa mga simbahan bilang pasasalamat o bonus sa naging tagumpay ng Enteng ng Ina Mo. Sampung simbahan ang binigyan nila ng tig-P10,000 donasyon.

Sana ganito rin ang gawin ng mga peikulang kumita sa filmfest para may buena manong grasya na sila.

Mabuhay kayo, Vic and AiAi! Kim at Xian grabeng maghalikan

Hindi dapat magtampo si Matteo Guidicelli dahil nasapawan siya ni Xian Lim sa My Binondo Girl. Maski naman si Jolo Revilla, ganundin ang naging kapalaran. Ganun naman talaga sa showbiz, kung sino ang matunog ’yun ang binibiyayaan.

Wala namang nag-akala na papatok ang tambalan nina Xian at Kim Chiu pero dahil pumatok sila sa mga manonood kaya sila ang pinu-push ng istasyon.

Suwerte nga ni Matteo, meron siyang Laureen Uy na tinatanggap na rin ng mga manonood pero si Jolo ay walang ka-partner at parang matatapos ang serye na hindi niya mababawi si Kim. O baka naman magkaroon ng big twist sa serye? Ano’ng malay natin?

Pero lahat ng mga TV viewers ng My Binondo Girl ay kilig na kilig sa napaka-torrid na kissing scene nina Kim at Xian na nangangahulugan na kundi pa sila, papunta na sila sa pagiging mag-on.

Show comments