PIK: Napuno ng mga taong nakiramay ang Jaika Cemetery sa Concepcion, Tarlac na pinaglibingan ni Tyron Perez nung nakaraang Huwebes ng umaga.
Kapansin-pansing wala ang asawa nitong si Liv Espino, na nabalitaan naming nakaaway pala ng pamilya ni Tyron, nang dumating sila roon nung Miyerkules ng gabi.
Ang narinig namin, may sinabi ang pinsan ni Liv na hindi nagustuhan ng pamilya ni Tyron kaya pinaalis sila.
Madaling araw na ng Huwebes umalis sina Liv at hindi na sila bumalik para makipaglibing.
Dumalo pa roon ang dating kasintahan ni Tyron na si Charee Pineda na naging malapit na rin sa pamilya ng nasirang aktor.
PAK: Totoo kayang isa sa mga pinag-awayan ng sikat na aktres at ng boyfriend niyang guwapong model ay nung makita ng lalaki na nakaahit na ang hinaharap niya?
Ayon kay aktres, kailangan niyang ahitin ’yun para sa pictorial na naka-two-piece.
Nagulat si guwapong model dahil nangako si aktres na never ito magpapa-pictorial ng sexy.
Matinding away na ang kasunod at isa lamang ’yun sa mga pinag-awayan nila kaya nauwi sa hiwalayan.
Ngayon ay masaya na si aktres sa kanyang kasintahan na isa ring sikat na aktor.
Si guwapong model naman ay hirap pa ring makapag-move on at masakit pa rin sa kanya ang naturang hiwalayan.
Kung kani-kaninong kilalang aktres na rin siya na-link pero wala pa siyang ipinalit kay sikat na aktres na minahal niya ng husto.
BOOM: Hanggang February na lang pala ang kontrata ni Claudine Barretto sa GMA 7 at wala pa siyang masasabing magri-renew siya dahil wala pang negosasyon.
Say niya, bahala na sina Boss Vic del Rosario at Shirley Kwan ang makipag-usap kung alin ang may magandang offer.
Ang narinig namin, merong offer ang TV5 pero wala pang na-finalize at wala pang masasabi si Claudine tungkol dun.
Magbabakasyon muna sila ni Raymart Santiago sa Europe na silang dalawa lang. Kaya parang honeymoon na rin nila ito bilang bahagi na rin ng counseling nilang mag-asawa para maayos ang anumang dapat ayusin sa kanilang pagsasama.
Halos dalawang linggo silang mag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng Europe at excited na silang mag-asawa.