Sarah pinaka-pinag usapan noong 2011

Ay si Sarah Geronimo pala ang tinanghal na most talked-about celebrity ng Yahoo! OMG noong 2011.

Ayon sa report, nakakuha si Sarah ng 47% na sinundan ni Marian Rivera na may 35% at sinundan nina Kris Aquino at Willie Revillame na may 25%.

Kung sabagay naging maingay na maingay ang career ni Sarah noong 2011. Nakadalawang pelikula siya na parehong pinilahan sa takilya – Catch Me I’m In Love at Won’t Last A Day Without You na parehong si Gerald Anderson ang leading man - nag-concert sa Araneta kasama si Martin Nievera at nag-tour pa sila sa mga probinsiya. Idagdag pa ang marami niyang commercial.

Plus ang naging issue sa kanila last year ni Rayver Cruz na naging hot topic noon na siyempre ay dawit ang pangalan ni Cristine Reyes.

GMA 7 walang takot sa TV5

Plano pala ng GMA Films na mag-produce ng pelikula kada buwan this 2012.

Mismong si Mr. Felipe Gozon ang nagsabi. Pero hindi pa niya masabi kung anu-anong mga pelikula ang gagawin nila this year although pang-buwena-mano ang movie nina Julie San Jose at Elmo Magalona at susunod ang My Kontrabida Girl na sa title pa lang ay marami nang kumokontra.

Pero aminado siyang hindi pa nila nama-master ang paggawa ng pelikula kumpara sa Star Cinema na pinaka-maraming pelikulang nagawa last year.

“Nauna naman sila. We admitted na magaling silang gumawa ng pelikula,” sabi niya. At hindi lang mainstream movie ang target nila maging indie film ay papasukin na nila.

Samantala, sinabi rin ni Mr. Gozon sa tsikhan sa ilang entertainment press na wala siyang takot na nararamdaman sa pag-aaring network ni Mr. Manny Pangilinan. “Hindi ako natatakot sa TV5,” deklara niya.

Wala rin daw sa plano nila ang mamirata ng mga artista.

Noon daw kasing nagsisimula sila, wala silang pera at lahat old vehicles ang gamit nila at meron lang silang 350 staff. Tapos may loan pa silang P1.9 B na kailangang bayaran. Pero after ilang years, isang higanteng network na rin sila.

Eh ang TV5 daw maraming pera na ginagamit at kayang magbayad ng malalaking talent fee sa mga artista kahit nag-uumpisa pa lang sila. “We never pirated anybody dahil wala nga kaming pera noon,” susog niya.

Ilang artistang pinoy ka-join sa Bourne Legacy

Uy may mga artistang pinoy palang makakasama sa international movie na Bourne Legacy na magso-shooting sa bansa ngayong buwan.

Pero ayaw pangalanan ng MMDA kung sino-sino.

Ayon sa mga interview ng chairman ng MMDA na si Mr. Francis Tolentino totoong merong mga local stars na kasama pero hindi puwedeng ibuking.

Pero ang mga lugar na pagso-shootingan ay ready at ayos na ayos na raw.

Tahimik lang daw talaga lahat nang mga taong kasali sa local production at bago mag-Pasko ay naplantsa na ang lahat.

Kaya asahan natin na sa pagsisimula ng shooting ay magkakaroon ng grabeng traffic lalo na sa area ng Manila.

Pero say ng chairman ng MMDA, may plano na sila para hindi masyadong magdusa ang marami sa nasabing shooting.

Heto ang schedule para may idea kayo : San Andres Street from January 11 to 15; J. Bocobo Street corner Remedios Circle from January 18 to 19; Leveriza Street (from Balingkit to San Andres) on January 15; San Andres Street corner Quirino and Taft Avenues January 14; Riverside Road, Real and Sta. Lucia Streets in Intramuros on January 25, and February 17 and 18; Jones Bridge on February 5; and R. Magsaysay Boulevard from February 8 to 15.

Show comments