Ginanap ang binyag nung kamakalawa ng hapon sa Christ the King na kung saan 70 ang kinuhang ninong at ninang.
Ilan sa mga ninong at ninang na namataan namin sa simbahan ay sina AiAi delas Alas, Eric Quizon, Bodie Cruz, Dr. Vicki Belo, Mother Lily Monteverde, Amy Perez.
Nandun din si Cong. Lani Mercado na nag-proxy kay Sen. Bong Revilla, Jr. dahil nasa Amerika na ito.
Si Zsa Zsa Padilla naman ay sinamahan ang anak niyang si Zia na isa sa mga ninang.
Ang saya ng binyag dahil halos napuno ang baptistry ng simbahan pero ang pinaka-abala sa lahat ay si Lorna na tuwang-tuwa kapag sinasabing kamukha niya ang kanyang apo.
PAK: Malapit nang mapuno ang isang mayaman at maimpluwensiyang bading sa isang guwapong aktor na matagal nang nakarelasyon nito.
Nanatili silang magkaibigan kahit may iba nang mahal si mayamang bading. Paminsan-minsan ay pumupunta si guwapong aktor sa kanya para dalawin pero naloloka na lang si mayamang bading dahil tuwing punta nito ay umuutang ng datung.
Hindi naman kalakihan pero naiirita na siya dahil alam naman niyang kumikita na ito ng maganda sa nilipatang network. Bakit umuutang pa rin ito?
Mabuti sana kung nababayaran siya, wala naman.
Sabi ni mayamang bading, sa sunod na punta ng ex-BF ay talagang wala na siyang ibibigay dahil nakakasanayan na nitong utangan siya ng walang bayaran.
BOOM: Very positive na si Jeorge Estregan na magkakaayos na sila ni Direk Tikoy Aguiluz.
Humarap ang actor-politician sa mga kaibigang movie press kamakalawa ng hapon at ikinuwento nitong nag-text sa kanya si Direk Tikoy at nag-sorry ito sa mga nangyaring gulo.
Tingin niya ay maaayos ang problema at mabalik na nila ang pangalan nito sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story bago nila ito isali sa mga international film festival.
Malaki ang pag-asa ni Jeorge aka Gov. ER Ejercito na mapansin ito sa sasalihang international competition at sana ay mapansin din siya sa ibang award-giving bodies.