Philip at Kathryn, magpapaluha sa Maalaala Mo Kaya

MANILA, Philippines - Magkakasama sa unang pagkakataon ang be­teranong aktor na si Philip Salvador at ang Kapamilya primetime princess na si Kathryn Bernardo ngayong Sabado (Enero 7) sa isang natatanging episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK).

Bibigyang buhay nila ang samahan ng mag-amang Ete (Philip) at Dang (Kathryn) na hinarap ang isang matinding pagsubok na higit na nagpata­tag ng kanilang pamilya. Saksihan sa kuwento ang katatagan ng isang anak na nanatiling nangangarap para sa amang nagkasakit sa pag-iisip at nagsilbing sandigan kanyang ina at mga kapatid. Kasama ni Philip at Kathryn sa MMK sina Snooky Serna, Janus del Prado, Alexa Ilacad, Ogie Escanilla, at Kristoff Meneses. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Ruel Montañez, at direksyon ni Dado Lumibao. 

Show comments