Malaking kita ni Kris sa endorsements mapupunta sa mga ipagagawang classrooms

Maganda ‘yung balak ni Kris Aquino at ng kanyang mga kapatid na babae na makapagpatayo ng mga silid aralan o iskuwelahan na magsisilbing taga-pagpaalala sa kanila kapag wala na sa posisyon  ang kapatid nilang si P-Noy.

Tatawagin nilang Silid Pangarap, ang isang libong  classrooms na ipatatayo nila ay para sa mga pre-schoolers. Magbibigay din sila ng libreng gamit sa mga mahihirap na mag-aaral.

Ang perang gagamitin sa pagpapatayo ng mga silid aralan bilang pagbibigay parangal ng magkakapatid sa kanilang mga magulang na sina dating senador Benigno Aquino at dating pangulong Cory Aquino ay magbubuhat sa bulsa ng magkakapatid at hindi pera ng gobyerno. Ang malaking halaga ay magmumula sa mga endorsement ni Kris.

Mabuhay kayong magkakapatid. Sana, magpatuloy pa ang magaganda ninyong gawain para sa ating mga mahihirap na kababayan. 

Pag-aalaga ng maraming aso, bawal na!

Bawal na raw ang pag-aalaga ng mahigit sa dalawang aso. Dulot ito ng paglaganap ng rabbies na dala ng mga aso. Pero ang mga asong askal lamang at hindi ‘yung mga nakakalabas ng mga bakuran ang nagkakalat ng rabbies. Bakit kailangang maapektuhan ‘yung mga responsableng nagma-may-ari ng maraming aso sa bansa?

At bakit parang hindi na ipinatutupad ‘yung paghuli ng mga asong nagkalat sa kalye?   

Praybeyt ni Vice, taob na sa movie nina Vic at Aiai

Tingnan mo nga naman, mukhang matataasan pa ng Enteng ng Ina Mo ang kita ng Praybeyt Benjamin na itinuturing na highest grossing Filipino film of all time. Kumita o inaasahang magpapasok ng P400M  sa takilya ang pelikula nina Vic Sotto at AiAi delas Alas kumpara sa halos P300M na kita ng pelikula ni Vice Ganda. Dahil dito, napagpasyahan ng dalawa na magsamang muli sa MMFF 2012.

Bakit hindi pa nila isama sa cast si Sen. Bong Revilla, tutal sa 2013 pa nakaeskedyul ang Panday 3?

Show comments