SEEN: Malayung-malayo na nga ang itsura ni Charice sa cover ng January-February 2012 issue ng Preview Magazine sa video ng behind the scenes ng photo shoot.
Retoke much?
SCENE: Ipinagtanggol ng kilalang makeup artist na si Juan Sarte si Charice.
Si Juan ang nag-makeup kay Charice, hindi raw produkto ng photoshop ang cover pictorial ng singer.
SCENE : Isang buwan na lamang ang itatagal ni Sam Milby sa Pilipinas dahil babalik na siya sa Amerika upang subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood.
SEEN: Mas mahusay ang acting ni Eugene Domingo sa Enteng Ng Ina Mo kesa acting niya sa My Househusband: Ikaw Na!
SEEN: Sina Sarah Lahbati at Denise Barbacena ng Protege sa Greenhills Pormenade Cinema noong Lunes. Pinanood nina Sarah at Denise ang Enteng ng Ina Mo.
SCENE: Binisita ng Filipino boxer na si Brian Viloria ang puntod ni Kung Fu superstar Bruce Lee sa Seattle, Washington.