Naglabas ng panibagong statement ang GMA7 tungkol sa pagkontra sa naunang statement ng ABS-CBN sa statement din ng GMA 7.
Ang GMA 7 ang unang naglabas ng statement tungkol sa umano’y maling claim ng ABS-CBN tungkol sa ratings ng kanilang mga programa. Sinagot ‘yun ng Kapuso Network. Pero nag-react ang ABS-CBN na naka-pending pa raw sa Court of Appeals ang nasabing usapin.
Pero heto ang bagong sagot ng GMA 7:
“GMA Network is rightfully interested in making sure that only accurate information is disseminated to the public based on available court records.
“This is precisely the reason behind GMA 7’s letter – wherein the Network clarified that ABS-CBN’s case against AGB Nielsen has already been dismissed – which was sent to various media organizations last week.
“Said letter was based on the following court records: the Certificate of Finality issued by Atty. Maila Doroteo Santos, Branch Clerk of the Quezon City RTC on January 5, 2010; and the Orders dated October 27, 2010 and March 21, 2011 from Quezon City RTC Presiding Judge Charito Gonzales, which stated that the dismissal of ABS-CBN’s case against AGB Nielsen is final and executory and that the subsequent Petition for Relief from Judgment and Motion for Reconsideration filed by ABS-CBN have been dismissed.”
Butch S. Raquel
Consultant, Corporate Communications
GMA Network, Inc.
Malamang may sagot na naman dito ang ABS-CBN.
Buhay na buhay na naman ang network war pagpasok pa lang ng bagong taon.
Pauleen ang laki ng sugat sa mukha
Ay naaksidente pala si Pauleen Luna sa bisikleta. Sumemplang daw ito at ang laki ng sugat sa mukha kaya ‘wag magtaka kung hindi raw ito napapanood sa Eat Bulaga.
Nagpapagaling pa raw ito at as much as possible ayaw sanang ipaalam na naaksidente siya dahil baka raw magbunyi pa ang mga ‘kalaban’ niya. Pero pinagkukuwentuhan naman ito kahapon.
May ilang nagdududa na baka naman daw nasobrahan lang ng ‘kagat’ ni Bossing Vic Sotto kaya nagkasugat.
Pero totoo raw naaksidente ito habang nagba-bike.
Wala pa ring confirmation hanggang ngayon kung ano nga bang real score ng relasyon nila ni Vic kahit alam na ng malalapit sa kanila ang relasyon nila.
Gov. ER naawa kay Dingdong
Maganda naman ang attitude ni Gov. ER Ejercito sa pagkapanalo ni Dingdong Dantes as best actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival. Siya mismo ang nagsabi na mas kailangan ni Dingdong ng award dahil siya naman ay may iba pang chance dahil marami pa namang ibang award giving bodies at plano nilang ihabol sa Asian Awards at Cannes Film Festival ang Manila Kingpin : The Asiong Salonga Story.
“Ako naman eh matagal na akong artista. I’ve been in the movies for 28 years, I’ve done more than 150 films. Si Dingdong, bagong artista lang, mas kailangan niya ang award. Ako, may pitong award-giving bodies pa, eh, mayroon pang international release kaya may mga pagkakataon pa at oportunidad para sa akin para manalo bilang Best Actor.”
Kaya lang, naawa raw siya kay Dingdong dahil nababahiran ng intriga ang panalo nito dahil sa mga sinabi ni Kris Aquino.“Nakakaapekto sa kanya ‘yung mga statement ni Kris na “magwala ka kapag natalo kang Best Actor.” Dapat hindi na nagbibigay ng ganung statement,” pahayag ni Gov.
At bilang preparation sa kanilang pagma-market sa abroad ng pelikula, ibabalik nila ang mga eksenang inidet ng Movie and Television Review and Classification Board. Pinakikinis nila ng husto ang editing para mas maging maganda pa.
Sinabi rin nito na malamang na ibalik na ang pangalan ni Direk Tikoy Aguiluz na ipinatanggal ni Direk nang paiksian ang pelikula niya.
Ayon kay Gov. ER, nag-text na sa kanya ang director noong Bagong Taon at pakiramdam niya ay matatapos na ang problema nila.