Iyak nang iyak sina Sheena Halili at Yasmien Kurdi nang mag-guest sila sa Startalk noong Sabado para pag-usapan ang pagpanaw ni Tyron Perez.
Hindi napigilan ng dalawa ang mapaluha dahil naalaala nila ang maliligayang araw noong magkakasama sila ni Tyron sa StarStruck.
Kasama nina Sheena at Yasmien sa kanilang guesting ang ibang StarStruck 1 members, sina Mark Herras, Alvin Aragon, at Christian Esteban.
Pare-pareho ang kuwento nila, ang tanong ni Tyron kung kailan sila magkakaroon ng reunion na hindi nangyari dahil sa kanilang mga busy schedule.
May lesson na dapat matutunan sa nangyari, ang bigyan ng importansiya ang phone call o text message na natatanggap mula sa inyong mga kaibigan.
Posibleng tinatawagan ni Tyron sa telepono ang mga dating kasamahan sa StarStruck dahil kailangan niya ng makakausap. Baka naghahanap siya ng mapaghihingahan ng kanyang mga problema.
Eh huli na ang lahat dahil hindi na nga nangyari ang reunion na itinatanong ni Tyron dahil kinitil na niya ang sariling buhay. Kahit paano, may guilt na nararamdaman ang kanyang mga kaibigan dahil hindi nila napagtuunan ng pansin ang pangungulit ni Tyron na magkasama-sama sila.
Precious Lara gustong magka-baby agad
Matutuloy na ngayong 2012 ang plano na pagpapakasal nina Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman.
Guest co-host kahapon si Lara at kinumpirma niya ang pag-iisang dibdib nila ni Marco sa October 2012.
Beach wedding ang naiisip nina Lara at Marco at kung ang dating beauty queen ang tatanungin, gusto niya na magkaroon agad sila ng baby ng kanyang boyfriend pagkatapos ng kanilang kasal.
Richard nagplantsa ng sariling damit na irarampa
May mga flight na na-delay kahapon dahil sa zero visibility sa runway ng Ninoy Aquino International Airport.
Kasi naman, napuno ng usok ang Metro Manila dahil sa fireworks at mga paputok. Hindi lamang ang mga airport ang apektado dahil pati ang mga motorista, halos hindi ma-sight ang mga kalsada at ang mga nagtataasan na building.
Polluted na polluted kahapon ang buong Metro Manila. Mabuti na lang, hindi ako lumabas ng bahay dahil New Year kaya hindi ko na-experience ang nakakaloka na scenario.
Nanood na lang ako ng TV, hitsurang hindi live ang Party Pilipinas dahil co-host si Richard Gutierrez na alam nating lahat na nagdiwang ng Bagong Taon sa New York.
Type ko ang litrato ni Richard na nagpaplantsa ng kanyang damit dahil ayaw ng kakambal na si Raymond na ipagplantsa siya. Si Raymond ang source ng picture dahil nakatuwaan niya na kunan ng litrato ang kakambal habang pinaplantsa nito ang damit na isusuot sa pagrampa nila sa New York.
Sen. Bong ipinakita ang pagiging gentleman kina Vic at AiAi
Parang nahihirapan ako na paniwalaan ang balita na hindi nominated sa best supporting actor category ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night ang performance ni Phillip Salvador sa Panday 2.
Ang husay-husay ni Ipe bilang kontrabida ni Bong Revilla, Jr. sa Panday 2 kaya unfair na hindi siya nominated.
Nagustuhan ko naman ang ginawa ni Sen. Bong na pagbati kina AiAi delas Alas at Vic Sotto dahil nanguna sa MMFF 2011 ang Enteng ng Ina Mo. Ipinakita ni Bong ang pagiging tunay na gentleman dahil ina-acknowledge niya na No. 1 sa takilya ang Enteng at sinundan ito ng Panday 2.