^

PSN Showbiz

Pagbubuntis ni Precious Lara hindi na pinag-interesan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Akala ng marami ay nakatagpo na sila ng isyu na maaaring mapag-usapan tungkol sa isang da­ting Miss International.

Sinimulan na nila ang pagsasabing ilang buwan nang buntis si Precious Lara Quigaman gayong ka­ka­kasal pa lamang nila ni Marco Alcaraz sa simba­han. Nagulat pa sila nang malaman na ikalawang ka­sal na ito ni Precious. Nauna na silang magpakasal nung nakaraang taon ni Marco sa Canada. Her baby was conceived not out of wedlock, may asawa na siya at lehitimo ang kanilang pagsasama ni Marco.

Disappointed ba ang mga nag-akalang maiisahan nila ang dating beauty queen? At kahit wala siyang naunang kasal, sapat nang pinakasalan siya ni Marco kamakailan. ’Yun lang ang importante.

Mga kamag-anak ng maraming sikat na artista nag-aambisyon ding magka-career

Maraming kapatid at kamag-anak ng mga sikat na artista ang nag-audition sa mga artista searches na itinataguyod ng tatlong TV networks. Sana lang ay palarin sila para hindi naman sila mapahiya sa mga sikat na ka­mag-anak nila. Pero mabigo man sila, huwag silang su­suko agad. Ang tagumpay ay hindi kara-karakang dumarating.

May mga madaling sumikat pero marami rin ang nangangailangan ng panahon para kasihan ng kapalaran. Dito kailangan ang pasensiya nila. Pero kung sa paglipas ng panahon ay bigo pa rin sila, dun marahil kailangan na nilang magpalit ng karera at mag-focus sa ibang trabaho.

Dating mga taga-that’s naiba-iba ang kapalaran

Hindi lahat ng sinanay na kabataan sa That’s Entertainment ay naging artista. May napunta sa pulitika, ’yun nga lang ginamit nilang tuntungan ang pag-aartista. Tulad nina Manila Vice Mayor Isko Moreno, former Board Member Bimbo Bautista, at dati ring konsehal sa Maynila si Robert Ortega.

Pero meron ding naging beauty queen (Ruffa Gutierrez at Mutya Crisostomo), at kamakailan ko lang nalaman na isa sa kanila ay isa na nga­yong iginagalang na photographer, si Mar Silverio.

Hindi rin naman nalalayo sa showbiz ang trabaho ni Mar dahil karamihan sa mga kinukunan niya ng lara­wan kundi artista sa pelikula, TV, recording, stage, ay mga artista sa fashion world at commercial.

Good luck, Mar at maging mas malaki pa sana ang pangalan mo sa mundo ng photography!

vuukle comment

BIMBO BAUTISTA

BOARD MEMBER

ISKO MORENO

MANILA VICE MAYOR

MAR SILVERIO

MARCO ALCARAZ

MISS INTERNATIONAL

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with