^

PSN Showbiz

Absent ang mga major winner ng FAP

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Dumalo kami sa 21st Film Academy Awards Night. Matagumpay naman itong nairaos. Maaga pa lang ay naroon na si Susan Roces kasama si Fernando Poe, Jr. Siya ang tumanggap ng Lifetime Achievement Award. Nagsimula pala siya bilang artista ng Sampaguita Pictures noong mid ‘50’s. Nagsimula agad siyang bida noon matapos ipakilala sa Miss Tilapia na tinampukan ni Gloria Romero. Doon sa Boksingera Daw ay nakatambal niya sina Luis Gonzales at Dolphy. Naging box-office queen ang aktres at sa panahon ng pananatili sa Sampaguita Pictures ay naging reyna ng kompanya. Bilang Queen of Philippine Movies ay napanatili nito ang magandang imahe hindi lang bilang ulirang artista kundi ina at asawa ng hari ng pelikulang Tagalog.

Ang pinakasorpresa ng gabing yon ay nang bumawi ang Lapu-Lapu. Apat ang napanalunan nito hindi lang ang Best Original Song kundi gayundin ang Best Director, Best Picture at Best Actor.

Ang tumanggap ng award ni Gov. Lito Lapid bilang best actor for Lapu-Lapu ay ang kanyang anak na si Mark. Napaluha ito at sinabing makaraan ang 24 na taon sa showbiz ay first time tumanggap ng award ang father niya. Pinasalamatan din nito si Fernando Poe, Jr. at sinabing kundi dahil sa tulong niya ay walang Lapid sa showbiz. Makaraang tanggapin ang award ay agad na tinawagan ni Mark ang ama na nasa Pampanga. Tuwang-tuwa ito at ipinaaabot ang pasasalamat sa FAP.
FAP Sidelights
Ipinakita nina FPJ at Susan Roces ang pagiging professional nila nang maaga silang dumating sa okasyon. Hindi nauso ang itim na gown na karaniwang isinusuot ng mga artista noon dahil mas in ngayon ang mga matitingkad na kulay. Lumutang ng ganda ni Gretchen Barretto sa kanyang apple green na gown at ang nagmumurang mga alahas kung saan nanalo itong Maxi Peel Face of the Night. Naragdagan ang timbang ni Dina Bonnevie at halata ang laki ng braso sa screen. Seksing-seksi si Pops Fernandez sa aqua marine na gown. Nakapagbawas ng timbang si Sharon Cuneta na siyang umawit ng medley bilang parangal kay Susan Roces bago tanggapin ang Lifetime Achievement Award.

Maganda rin si Lorna Tolentino kaya lang hindi naging fresh ang kanyang beauty ng gabing yon. Sabi nga ng katabi ko ay parang haggard-looking siya.

Magaganda ang batuhan ng mga jokes nina Dina at Pops during commercial breaks dahil may nagtanong kay Pops sa audience kung nasaan si Martin Nievera at kung totoong hiwalay na sila. "Hindi ka updated sa news dahil matagal na kaming hiwalay ni Martin kaya malaya na ako," sey ng singer.

Tanong naman ni Pops kay Dina kung mahal pa nito si Vic Sotto. "Siyempre may dalawa kaming anak at kahawig siya ni Ben Affleck. Ikaw, mahal mo pa ba si Martin?" tanong nito kay Pops.

"May dalawa rin kaming anak pero magkaibigan na lang kami," sagot nito. Magagaling ang mga hosts ng gabing yon at laging may nakalaan silang mga biro para maging alive ang audience.

Magkatabi at manaka-nakang nag-uusap sina Ara Mina at Congressman Chuck Mathay at excited ito nang manalo ang anak bilang "Dazzling Gem of the Night" at sa kalalakihan naman ay si Paolo Bediones. Di man nanalo sa Best Actress category ay okey lang kay Ara. Hindi rin pinapasok ang kanyang stalker ng mga marshall.

Ang nakakalungkot lang ay wala sa awards night ang mga nanalong artista. Si Piolo Pascual na nanalong Best Supporting Actor ay nasa Baguio at may syuting. Si Cherrie Pie Picache na Best Supporting Actress ay wala rin. May karamdaman naman si Lualhati Bautista na nanalo sa Best Story para sa Dekada ‘70. Nasa Pampanga naman si Gob. Lito Lapid at may mahalagang commitment. Nagpasabi naman si Mayor Vi na kaya hindi siya nakasipot ay dahil birthday ng kanyang youngest son.

Maaaring may kumukwestyon sa panalo ni William Mayo bilang Director at Lapu-Lapu bilang Best Picture pero may kanya-kanya silang opinyon at ang mga bumoto naman dito ay mula sa iba’t ibang guild na bumubuo sa Film Academy of the Philippines. Sa kabuuan, mabilis ang pacing ng programa at magaganda ang production number.

vuukle comment

BEST

BEST PICTURE

BILANG

FERNANDO POE

LAPU-LAPU

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

LITO LAPID

SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with