ASAP 2012 may engrandeng salubong sa bagong taon

MANILA, Philippines - Salubungin ang 2012 nang puno ng kasiyahan ngayong Linggo (Enero 1) kasama ang buong pamilya ng 2011 PMPC Star Awards Best Musical Variety Show at Golden Screen Awards 2011’s Outstanding Musical Program na ASAP 2012.

Sa ika-17 taon ng top-rating musical variety show ng ABS-CBN, ipagdiriwang ang mga pinakamalalaking tagumpay ng 2011 at ang mga higanteng proyektong dapat abangan sa bagong taon.

Saksihan ang world-class concert performances nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Vina Morales, Christian Bautista, Erik Santos, Angeline Quinto, Jed Made­la, Jericho Rosales, Luis Manzano, Toni Gon­zaga, Yeng Cons­tantino, Sam Milby, Khalil, Zia Quizon, Kean Cipriano, Bugoy Drilon, Marcelito Pomoy, Jovit Baldivino, ASAP Boys R Boys, at bandang Kamikazee. Samantala, makihataw naman sa ASAP Supahdancers na sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, John Prats, Rayver Cruz, Bugoy Carino, at Georcelle Dapat-Sy.Huwag namang palampasin ang taunang top 10 hit list ng programa sa ASAP Diyes is it. Tutukan ang back-to-back production numbers ng box-office royalties na sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes, at Vice Ganda hatid ang Top 10 Movies of 2011; kantahan kasama ang ASAP Sessionistas hatid ang Top 10 Pinoy Hits; at ang todo-sayawang hatid ng ASAP Supahdancers para sa Top 10 Dance Hits of 2011.

Bibida rin sa ASAP 2012 concertstage ang ilan sa mga bituing bibida sa 2012—sina Pokwang at Xyriel na lead stars ng pelikulang A Mother’s Story, Kapamilya teen stars na sina Julia Montes, Diego Loyzaga, Kathryn Bernardo, at Enrique Gil; at Primetime Bida teleserye love teams   na    kinabibilangan nina Erich Gonzales at Enchong Dee, Gerald Anderson at Jessy Mendiola, at Kim Chiu at Xian Lim.

Tampok din ngayong Linggo ang launch ng pinakabagong ASAP 2012 website. Kaya’t maki-New Year’s party sa ASAP sa unang araw ng bagong taon, 12:15nn, sa ABS-CBN.

Show comments