Matapos umoo sa kabilang network aktres mas pinili ang Kapuso

Nagulat ang kaibigang reporter nang makita ang isang magaling na aktres sa pictorial ng isa sa mga bagong soap ng GMA 7 dahil ang alam ng reporter, kasama ang aktres sa cast ng soap ng kabilang network na umeere na.

Bale dagdag sana ang aktres sa cast ng soap at tinanggap nito ang offer at naka-schedule nang mag-taping. Kaya laking gulat ng reporter nang makasalubong ang aktres on her way to the pictorial. Nang tanungin ng reporter kung bakit, “Ito na ang pinili ko,” ang  sagot with matching smile.

Sabagay, hindi nakakagulat na mas pinili ng aktres ang offer ng Channel 7 dahil sa network ang sunud-sunod niyang soap. Nabanggit nga nitong malaki ang pasasalamat niya sa network dahil kahit wala siyang kontrata, hindi siya nakakalimutan at sunud-sunod pa ang projects.

Oyo inisa-isa ang body parts ng baby sa pagpo-post sa Twitter

Nakakatuwa si Oyo Sotto dahil iniisa-isa ang pagpo-post ng picture ng baby nila ni Kristine Hermosa-Sotto. Noong bagong silang si Ondrea Bliss (beautiful name), braso nito ang kinunan at inilagay sa Twitter.

Sumunod noon, ang dalawang paa ng baby ang kinunan at nai-post uli, at nitong huli ay lips ng bagets ang kinunan at may comment pa siyang “I love her lips” at talagang maganda ang lips ng baby, hugis puso.

Ang hinihintay namin ngayon ay kung kailan ipo-post ni Oyo ang buong picture ng baby nila ni Kristine?

Show comments