Tama lamang ang sampalataya na ipinagkaloob ni Kris Aquino kay Dingdong Dantes para sa ginawa nilang pelikula. Talaga sigurong magaling siya para manalo siyang best actor.
It was a wise decision to go into co-production, bukod sa lumalawak ang mundo sa showbiz ay nabibigyan pa si Dingdong ng oportunidad na mailabas ang talent niya. Keep it up!
Panday 3 pang 2013 na!
Hindi pa man natatapos ang MMFF ay meron na agad plano para gumawa ng Enteng ng Ina Mo Rin, sequel ng ngayon ay tumitipak at nangunguna sa takilya na Enteng ng Ina Mo. Kay Bossing Vic Sotto ito nanggaling nang minsan ay ma-interview sila makaraang manguna sila sa takilya.
’Yung Panday 3 naman na pinakahihintay ng lahat ay magaganap naman, ayon kay Sen. Bong Revilla, Jr. sa 2013. Kailan naman kaya magaganap ’yung pagsasama nilang tatlo sa iisang pelikula?
Puwede kaya sa MMFF 2012? ’Di ko naman puwedeng sabihin na isama na si Bong sa sequel ng Enteng ng Ina Mo. Siguro ngayon pa lamang ay mag-isip na sila ng proyekto para sa tatlo.
El Presidente dapat ayusin ng maaga
Sana kung gaano kaganda ang The Asiong Salonga Story ay ganundin kaganda o mahigitan pa ito ng El Presidente. After all, kasama rito ni Gov. ER Ejercito ang itinuturing na pinakamagaling na aktres na Pilipino, si Nora Aunor. At sana nga ay mabalikan agad ito ni Nora na pupunta ng US para ipagamot ang kanyang paos.
Ewan ko lang kung katulad ng Asiong Salonga ay magkaroon din ito ng problema kay Director Tikoy Aguiluz. Sana ngayon pa lamang ay ayusin na nila ito para maging maayos ang pagpapalabas nito.