MANILA, Philippines - Tuwang-tuwa ang bandang Shamrock sa init ng pagtanggap sa kanila sa mga concerts para sa Gran Matador Light ngayong kapaskuhan.
Ang bandang Shamrock na binubuo nina Marc Tupaz, Sam Santos, Nico Capistrano at Harald Huyssen ay tumugtog sa maraming lugar kasama na ang Commonwealth, Mandaluyong, Bustillos in Sampaloc, Caloocan, Montalban at Malibay sa Pasay.
“Sobrang saya. Talagang punung-puno ang mga lugar at talagang nag-enjoy ang mga tao habang umiinom ng Gran Matador Light. Siyempre, inaasahan rin namin na magiging masaya ang mga susunod naming gig,” sabi ni Marc tungkol sa grupo na umiidolo sa Introvoys, After Image at The Dawn.
Napakinggan ng mga fans ang mga original na kanta ng Shamrock kasama na rin dito ang Dahil Dyan para sa Gran Matador Light. Nabuo ang kantang ito habang nag-iinuman ang mga miyembro ng banda.
“Masayang isulat ang kantang ito dahil nag-iinuman kami. Nakuha namin ang title sa manager naming si James Garcia dahil lagi niyang sinasabi ang linyang ‘dahil dyan’ kapag nag-toast kami,” ayon kay Sam.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa gumawa ng kanta ang grupo para sa produktong tulad ng Gran Matador Light. Mas kilala sila sa mga soundtrack ng mga kilalang telenobela.
“Marami na kaming magagandang show pero mas memorable ang Gran Matador Light dahil first time naming naging endorser,”pagtatapos ni Marc.