Jackie, Louise at Gwen, hindi tinatantanan ang pagpapaganda!

MANILA, Philippines - Dumarami na ang mga client testimonials sa isang “silent worker” na celebrity surgeon — si Dr. Alfredo Callanta — dahil sa mga nagawa niya para sa mga local celebrities na sobrang satisfied sa kanyang expertise sa pagpapaganda.

“People today are mature enough when it comes to beautifying themselves. Our clinic’s mission is to ensure service as response to their awarness that something can be done with their beauty aspirations,” sabi ng nakikilala nang plastic reconstructive and aesthetic surgeon.

Sa kasalukuyan, may mga kliyente na rin si Dr. Callanta na mula pa sa USA, Spain, England, Australia, Japan, at Thailand.

Ang iba namang GMA Artist Center stars na hindi naman nangangailangan ng treatment ay pinag-iibayo lang ang natural glow. Isa na rito ang Sisid lead actress na si Jackie Rice na nagsasabing ang professional care na makukuha mula sa kalibre ng doktor “can boost your morale and confidence.”

Para naman kay Louise delos Reyes, kahit sa murang edad ay maaaring magkaroon ng beauty enhancement sa kamay ng world-class surgeon.

Say niya, “When you’re young, you can do something that can make you feel good about your self.”

Pumasyal din sa klinikang iPrime Center for Surgical Aesthetics si Gwen Zamora na nagsabing naging “physically balanced” siya.

Galing si Dr. Callanta sa University of Santo Tomas na hinasa ang talento sa Adifill, ang latest technique sa facial and hand rejuvenation, breast augmentation, butt augmentation, hip contouring, and correction of post-liposuction irregularity.

Bukod pa sa tinapos na kurso, dumaan sa maraming training at workshop sa abroad si Dr. Callanta. Kung minsan ay naiimbitahan pang guest speaker. Noong June, dumalo siya sa International Symposium of Minimal Invasive Plastic Surgery & Dermatology sa Bangkok, Thailand para magsalita. Kaya well-empowered ang doktor sa mga usapan sa fat grafting at anti-aging medicine.

“My job is to make individuals look better in a na­tural way. I help people realize kung anong treatment ang babagay sa kanila and I make that possible,” sabi ni Dr. Callanta.

Show comments