Sen. Bong, Vic, at Aiai magsasama sa isang pelikula sa susunod na MMFF?!

Hindi na kailangang hintayin pa ang pagtatapos ng Metro Manila Film Festival 2011 para masabi na dalawa sa maglalaban sa dalawang pinakapangunahing posisyon sa box office ay ang Panday 2 ni Bong Revilla at Enteng ng Ina Mo nina Vic Sotto at AiAi delas Alas.

Sa simula pa lamang ng filmfest ay agad nang nanguna ang pelikula nina Vic at AiAi pero hindi naman nito naiwan ng malayo ang pambatang pelikula ng mabunying senador mula sa Cavite.  Habang sinusulat ito ay pinakakaabangan pa ng lahat kung alin sa dalawang pelikula ang talagang mangunguna sa pagtatapos ng pista.

At kay AiAi mismo nanggaling ang posibilidad na magkasama-sama silang tatlo sa mga darating pang festival. Kung ‘yung pagtatambal nila ni Bossing Vic ay dati’y isang pangarap lamang pero nabigyan sa taong ito ng katuparan.

Ewan lang ‘pag nagkasama-sama na silang tatlo, kung masusunod pa rin ang kagustuhan ni Bossing Vic na ibigay ang direksiyon ng pelikulang pagsasamahan nila kay Tony Y. Reyes o ibalik ito at ipagkatiwala sa director na nagbigay buhay at nagpasikat sa character ng Tanging Ina na si Ina Montecillo na si Direk Wenn Deramas.

Pacman inaakusahan ng pagiging unprofessional

Hindi mo naman maiaalis na mag-feeling star si Cong. Manny Pacquiao dahil talaga namang star siya in the real meaning of the word. Kilala hindi lamang ng mga karaniwang tao sa buong mundo kundi hinahangaan din at gustong makilala maging ng mga sikat na personalidad sa ibang mundo. The Philippines is indeed proud of him.

But lately, ang dami-daming reklamong lumalabas tungkol sa kanya.  Kung dati ay epitome siya ng professionalism hindi lamang ng kanyang mga kasamahan kundi lalo na ng mga prodyuser na kumukuha ng kanyang serbisyo, nagbago na siya. Ang sabi, sakit na siya ng ulo ng produksiyon. Unprofessional na nga ba si Pacman o sadyang may mga tao lang na ayaw siyang tigilan ng mga intriga?

 

Dapat bang paniwalaan ang result na binibigay ni Kris?

Bilib naman ako sa sipag ni Bong Revilla sa promosyon ng Panday 2. Napanood ko sa TV ang ginagawa nilang pag-iikot sa mga sinehan nina Philip Salvador at iba pang cast ng pelikula. Nakasisisiguro na siya ng  maraming manonood pero nag -i-effort pa rin siya na maging No. 1 ito.

Kuntento na rin ang grupo ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story dahil nagawa na rin ng SQ Laboratory ang kumpletong bilang ng mga prints na kailangan nila. Kulang na kulang ang bilang nito nang magsimula ang pagpapalabas ng MMFF nung Pasko. 

Ang dami-dami ring nagtataka kung bakit si Kris Aquino ang nagbibigay ng mga box office results ng mga pelikula sa kanyang mga kaibigan sa press. Marami tuloy ang nagtatanong kung gaano ito katotoo. At kung paniniwalaan ba nila.

Show comments