MANILA, Philippines - Sa kabila ng controversial break-up nina KC Concepcion at Piolo Pascual, life has to go on pa rin sa dalawa. Separate lives nga lang. At bagama’t hindi nagbigay ng anumang statement ang guwapong aktor at singer ay hindi nito hinayaang makaapekto ang nangyari sa kanyang love life sa kanyang career. Nagpatuloy siya sa kanyang mga aktibidades at unti-unting nagmu-move on sa kanyang heartaches.
Naging masaya naman ang kanyang Christmas celebration kasama ang mga mahal sa buhay.
“Okay naman, tahimik lang. Dito lang kami nag-celebrate. Some of my nieces and nephews and my sister just arrived from the States. Magkakasama kami rito. Even my mom has been here since last month and magkakasama ’yung buong family dito sa Manila. It’s very simple. We have the traditional Christmas dinner, ’yung noche buena,” sabi ni Piolo sa kanyang naging Pasko.
Ano naman ang kanyang wish ngayong papasok na ang 2012?
“Gusto ko wala nang gaanong kalamidad kasi ang hirap for our community kasi kahit resilient tayo, mahirap pa rin. May mga kalamidad na nangyayari na hindi natin ma-control so I just pray na hindi ganun ka-grabe para at least maging maganda naman ang pagsisimula ng mga kababayan natin,” reaksiyon ng aktor.
Ang young actress-TV host namang si KC is ending the year with a happy heart.
“It will end this year with me having a happy heart and (I’ll) start my year with a happy heart,” say ng magandang anak ni Megastar Sharon Cuneta.
And fresh from her exclusive contract signing with ABS-CBN, nasabi ni KC that she will start 2012 by hosting the country’s own version of X-Factor Philippines.
Ito ang pinakamalaking show abroad especially sa UK na dinala ng ABS sa Pilipinas.
“Alam n’yo, kapag mayroong dumarating sa buhay natin, mahirap na tanggihan kasi may dahilan kung bakit napupunta sa iyo ’yon,” sambit pa ni KC.
Nang matanong kung ang show ba na ito ay posibleng pambawi niya sa mga napagdaanan niya noong 2011, ang tanging nasagot ng dalaga,
“Hindi ko alam (kung bawi ito). Dala na siguro ng dugo’t pawis kasi siyempre, lahat naman tayo ay nagtatrabaho din so hard work siguro pero may mga bagay kasi na hindi mo rin maaaring planuhin umpisa pa lang ng taon. May mga bagay na darating maganda man o hindi masyadong maganda. Kailangan lang pagdaanan mo dahil may faith ka na may dahilan ang lahat,” sabi ni KC.
Kuwento pa ng dalaga sa bago niyang programa, “It’s the first reality talent show, ’yung talagang from audition process ay pupuntahan ko talaga ang mga probinsiya at makikilala ko isa-isa. And 13 (years and) above ang puwedeng sumali rito.
“So first time kong makakita ng teenager at 100 years old na puwedeng sumali sa X-Factor, so hindi natin alam kung sinong secret treasure ang makukuha natin,” sabi ng TV host-actress.
Ang X-Factor Philippines ay magkakaroon ng audition starting January sa Batangas, Olongapo, Bataan, Cebu, Bacolod at Manila.