^

PSN Showbiz

Maricel natakot sa parusa ng MMFF

- Veronica R. Samio -

Hindi kinaya ni Maricel Soriano na maparusa­han si Mother Lily Monteverde at ma-ban ng tuluyan sa pagsali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya parang multo itong nakita sa float ng pelikula niyang Yesterday Today Tomorrow kahit nauna nang napabalita na wala ito at pumunta ng abroad para doon mag-holidays. Mabuti na lamang at hindi pa ito nakakaalis at kahit hindi tinapos ang parada ay dumating ito for the sake of Mother Lily and Regal Entertainment, Inc. na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na muling makalabas ng pelikula. Matatanggap na rin niya ang anumang incentives na meron kapag nanalo siya ng MMFF Awards Night.

Hindi naman bikini ’yung suot ni Solenn Heussaff sa parade, close to it but not a bikini, and she caused a commotion sa kanyang “damit.”

Sa mga sinehang pinuntahan namin ng pamilya ko, hindi kami nanood, namasyal lang. As expected pahabaan ng pila ang Panday 2 at Enteng ng Ina Mo. May pila rin ang My Househusband.

We spent more time sa ilang malls sa Divisoria na, surprisingly, bukas at ang daming shoppers. Hindi 100% bukas ang mga stalls, may 10% na sarado pero okay lang sa mga tao, what they needed, they found dun sa mga bukas. Ako, I was able to buy Christmas lights na 40% ang kamurahan for next year’s Christmas celebration. Pupunta nga ako ng Gilmore sa Kyusi para naman dun sa mga ilaw pa na korteng puno, also for next Christmas dahil half the price na ang halaga ng lahat ng Christmas lights dun.

Matao rin sa SM Fairview na kung saan ay nag-iikot din kami matapos magsimba sa St. Peter sa may Commonwealth. ’Yung mga food chains, puno. Akala ko nga lalangawin dahil maraming food sa bahay pero, hindi pala. ’Yung mga rides, pinipilahan din, parang sine. We shopped in the mall para sa aming mga sarili. ’Yung pre-Christmas shopping were for the benefit of the inaanaks and family members, ’yung post-Christmas sa amin naman.

Maganda pala mamili pala sa araw ng Pasko, hindi masikip ang mga tindahan, wala halos traffic except dun sa mga lugar na may simbahan at mas mura ang presyo. Try n’yo, mas enjoyable, less pa ang chance na mawala ang mga batang kasama n’yo dahil nga hindi masyadong marami ang tao, puwede silang kumawala sa pagkakahawak n’yo.

Jolo at Kris magpapalipas lang bago magligawan

Akala ko grabe na ang migraine ko dahil tatlong araw akong hindi nakakatayo kapag inaatake ako nito at lumalakad ako sa loob ng bahay na may ice bag sa ulo but unlike Jolo Revilla, hindi ko naman inuumpog ang ulo ko or umiiyak na sa sakit pero ni halos hindi ko maigalaw ang ulo ko o kahit isang hibla ng buhok ko, kapag nagma-migraine ako. Kaya nga relate na relate ako sa kanya dahil nakakapag-taping pa siya ng My Binondo Girl.

At suwerte niya, makakahingi siya ng opinyon sa mga doktor sa US. Ako nagkakasya na lang na tumigil ng bahay at mapahinga.

Hindi pa sila ni Kris Bernal at sinabi ni Jolo na magkaibigan pa lamang sila pero parang dun na papunta ang friendship nila. It’s just a matter of time na lang. Matagal nang walang love life ang young actor at si Kris naman ay kabi-bireak lang kay Jay Perillo, kaya baka magpalipas lang ito ng panahon bago muli sumalang sa isang love affair.

John Lloyd nakabawi agad

Sa kabila ng maraming isyu at kontrobersiya na kinasangkutan niya, ni-renew pa rin ng Magic Flakes ang kontrata sa kanila ni John Lloyd Cruz na sinasabi nilang malaking tulong sa nasabing biscuit bagaman at pinaniniwalaan ko na kahit sino ang mag-endorso nito ay magiging as effective as JLC dahil totoong masarap ang lasa nito. I discovered this just recently at ito na ang binibili ko ever since.

It seems na madaling nakakabawi si JLC sa bad press na nalikha niya makatapos ’yung isyu niya kina Shaina Magdayao at Ruffa Gutierrez. Mula sa isang mapagkakatiwalaang source, sinasabing nagbalikan na talaga sila ni Shaina pero tahimik lang ang couple.

Bumalik na rin ang tunog sa pelikulang ginagawa ni JLC kasama si Angel Locsin na pinaniniwalaan ng marami na naurong nung kasagsagan ng isyu sa kanya. Mukhang maganda ang hatid ng bagong taon sa kanya.

AKO

ANGEL LOCSIN

AWARDS NIGHT

INA MO

JAY PERILLO

LANG

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with