Isang pelikula sa MMFF hindi naipalabas sa first screening, nasabotahe ang print?!

Nakakaloka ang balita na kumalat kahapon na may sumasabotahe sa isang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Hindi natapos ang mga prints ng pelikula dahil inuna ang printing sa another movie na official entry din sa MMFF.

Dahil sa kakulangan ng prints, hindi naipalabas sa mga sinehan ang pelikula na biktima ng sabotage. Third screening na nang makarating sa mga sinehan ang prints kaya sobrang disappointment ang na-feel ng mga artista at produ ng pelikula na pinupuri ng film critics.

 

Panday nangunguna sa box office!

Congrats sa Imus Productions at GMA Films dahil humahataw kahapon sa box office ang Panday 2.

Muling pinatunayan ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang malakas na hatak niya sa manonood dahil pinilahan ang kanyang pelikula.

Siyempre, sinuportahan ng fans ni Marian Rivera ang Panday 2 kaya lalong lumakas sa takilya ang pelikula na as of presstime eh nangunguna sa box office race ng Metro Manila Film Festival.

Malakas ang pakiramdam ko na magkakaroon ng thanksgiving party ang Imus Productions at GMA Films dahil successful ang Panday 2.

 

Festival pass ‘di puwede sa pasko at new year

Hindi pala puwedeng gamitin kahapon at kahit sa Jan. 1 ang season o festival pass na ipinamigay ng mga organizers ng MMFF.

Effective lang ang festival pass pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon. Hindi rin puwedeng gamitin sa pa­nonood ng MMFF movies ang deputy ID ng Movie and Television Review and Classification Board.

 

Mananalo sa awards night mahirap hulaan

Ang awards night ng MMFF sa Dec. 28 ang pinaghahandaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF executive committee matapos ang matagumpay na pagsisimula kahapon ng filmfest.

Mahirap hulaan kung sino sa mga artista at alin sa mga pelikula ang mag-uuwi ng mga karangalan.

Maraming artista ang nagpakita ng mahu­say na acting sa kanilang mga pe­likula. Mukhang mahihirapan ang mga hurado sa pagpili ng mga winners.

Ronald nae-excite nang umuwi

Ang bilis-bilis ng araw at na-realize ko uli ito dahil sa balita na malapit nang lumaya mula sa Hong Kong jail si former Congressman Ronald Singson.

Nakatakda nang lumabas si Ronald sa second week ng January.

I’m sure, excited na si Ronald na makabalik ng Pilipinas. Natatandaan ko pa ang sinabi ng tatay niya, si Ilocos Sur Governor Chavit Singson, na magpapa-misa ito kapag lumaya na ang kanyang anak.

Naging showbiz news ang nangyari sa ex-congressman dahil artista ang kanyang dyowa, nagmamay-ari siya ng isang cable channel, at produ ng concert ng mga international singers.

Show comments